OJT, Part 3/12
<<< ANG NAKARAAN April 21, 2011 1:36 PM "Cha-Cha, andito si Jojo." "Sige Ma, paakyatin n'yo." "Uy, bespren." "Wow! Yan na ba yun? Yan na yung binili sa 'yo ng Lola mo?" "Yup!" "Ang gara! Magkano bili n'ya?" "4k ata." "Dapat electric na lang pinabili mo." "Asa! Mahal masyado. Ako na lang bibili nun para sa sarili ko. Unless maisipan mo kong regaluhan, di ba?" "Mas malaking ASA! Ha ha! Yung sa kin wala na naman sa tono." "Akin na. Itono ko." "Teka, kunin ko sa kabila." "Sige, sige. Pa-Facebook ah." "Sure. Huwag mo kong i-log out ah. Bukas ka na lang ng ibang browser. May Firefox yan." 1:43 PM "Kamusta naman sa ofis nyo?" "Masayaaaa. Ayun, yung ikukuwento ko sa 'yo! Nag-date kami ni Sir Max kahapon! Eeeeee." "Duh! Na-post mo na kaya sa Facebook yan. Mabenta nga status mo eh,...