The Last Seven Days, Part 2: Confusion
<<< Nakaraan Seph: Why? Joey: I don't love you anymore... Seph: Why? Joey: I don't love you anymore... Seph: Why...? Dahan-dahang lumabas si Seph ng sasakyan. Hindi siya makapaniwalang maayos pa niyang naigagalaw ang katawan niya. He can hardly stand up , saka nya napansin na marami palang tao. He checked himself , nagulat siya nang makita niyang wala siyang sugat maliban sa hiwa sa pisngi na nakuha niya ng pinilit niyang lumabas sa bintana ng driver's seat. Lumakad siyang iika-ika patungo sa sidewalk at naupo sandali sa gutter. Taob ang sasakyan niya, grabe ang sira nito. Pinagtitinginan na siya ng mga nasa paligid, napatingin siya sa kanyang relo -6:45 PM- labasan ng mga nag-oopisina, kaya pala maraming tao. Mula sa mga estrangherong nakatingin sa kanya ng may nag-aalalang mata, he heard a familiar voice. Seph?! Hindi niya alam kung nagha-hallucinate lang siya, pero kilala niya ang boses na yun. ******: Oh my God! Seph, ano nangyari sa 'yo? Seph: Joey? L...