Buhay at Pagsusulat (Life and Writing)
Ang buhay ay isang pagsusulat, tayo ang writer at ang obra ay ang ating sarili. May mga taong goal-oriented , yung mga tipong isusulat muna nila kung ano ang gusto nilang marating ng kuwento at saka ilalahad ng maayos ang buong katha. Kumbaga ay narito ang climax , ang pinakamasayang parte ng iyong buhay, ang happy ending na hindi naman talaga ending , ang sukdulan ng tensyon; at narito ka, sa ibaba, dahan-dahan at isa-isa mong inilalatag ang hagdan upang ang climax ay iyong maabot. Para kang pumapadyak sa accelerator hanggang sa tuluyang umandar ang sasakyan; para kang umaakyat sa bundok hanggang makarating sa tuktok. Mahirap ang mga pagdadaanan mo, pero in the end , sulit kasi pinagplanuhan mong maigi ang lahat. Pero minsan, sadyang may hindi umaayon sa plano mo. Punong-puno ng conflict . Biglang ganito, biglang ganyan; akala mo ganito, akala mo ganyan; tapos may susulpot na pasaway, sisirain ang lahat ng plano mo. Minsan darating sa buhay mo na tinatamad ka nang magsulat, na p...