Skip to main content

Living on Dreams

Sometimes we can't help but to live on dreams...
Matalino ka, isang henyo. Halimaw ang tawag sa iyo ng mga classmate mo, hindi kasi utak ng tao ang nasa loob ng bungo mo. Para sa iyo sisiw lang ang mga bagay na gabundok ang hirap para sa lahat. Hindi sa 'yo uso ang salitang imposible. Kaya mong gawing madali kahit ang pinaka-komplikadong bagay. Ikaw ang tipo ng taong gagawin ang lahat matupad lang ang mga pangarap...maliban na lang sa isa.
Maganda siya, mabait at matalino bagamat hindi 'sing-talino mo. Noong una mo siyang makita, inamin mo na agad sa sarili mo na may gusto ka na sa kanya. S**t! Nakahanap ka rin ng katapat mo.
Ngunit binawi mo ang lahat. Pilit mong pinapaniwala ang sarili mo na wala kang gusto sa kanya, hindi ka puwedeng magkagusto sa kanya. Para sa iyo, mas superyor ang utak kaysa puso kaya hindi ka puwedeng magpadala sa nararamdaman nito. Hindi puwede, hindi dapat.
Pero ano 'to? Sa tuwing nakikita mo siya bumibigay ang kabuuan mo, bumabagsak ang mundo mo. Pakiramdam mo para kang pinagtitripan ng langit at lupa at bumabagal ang oras sa tuwing kausap mo siya. Naninikip ang dibdib mo sa tuwing nakikita mo siyang ngumingiti, lalo na kung ikaw ang nginingitian niya. Pero hindi, pilit mong pinipigilan ang sarili mo. Pilit sinasabi ng utak mo sa puso mo na hindi ka puwedeng main-love.
Kaya lang anong magagawa mo? Araw-araw kayong nagkikita. Hindi lang yun, lumalapit pa siya sa iyo sa tuwing nagpapaturo siya sa mga aralin sa eskwela. Pilitin mo man ang sarili mo na wag siyang tingnan, hindi mo puwedeng burahin ang katotohanang nariyan lang siya sa tabi, tatlong upuan ang layo sa iyo, at kung mamalas-malasin ka, apat na taon kayong magsasama. Wala kang choice kundi tanggapin ang tinitibok ng puso mo. Wala kang choice - mamahalin mo ba siya o aalis ka ng eskwela para hindi mo na siya makita kahit kailan?
Tuwang-tuwa ka nang malaman mong bilib siya sa kakayahan mo. Nadagdagan tuloy ang dahilan mo para mag-aral. Tuwing nasa klase, pinagdarasal mong sana hindi maintindihan ng mga kamag-aral mo ang tinuturo ng inyong propesor, pag nagkagayon, lalapit nanaman siya sa iyo, magpapatulong, magpapaturo. Kahit ilang minuto lang iyon, para sa iyo habangbuhay na. Magpapasalamat siya sa iyo at pupurihin ka. Papalakpak naman ang tenga mo. Ngingiti ka lang ng kaunti ngunit sa loob-loob mo gusto mo nang magtatatalon sa tuwa.
Sometimes we can't help but to live on dreams...
Mauulit ng mauulit ang mga pagkakatong iyon hanggang sa maging malapit kayo sa isa't-isa. Ikaw na ang kusang lumalapit sa kanya tuwing sa tingin mo'y may kailangan siya. Papanoorin mo siya habang pilit niyang sino-solve ang isang problem sa Algebra, Trigonometry o Computer Science. Tititigan mo ang maganda niyang mukha, ang imahe niya na nakatatak na sa iyong isipan. Dahan-dahan mong ibubulong sa kanya na mahal na mahal mo siya at siya ang dahilan ng existence mo sa mundo. Lilingon siya sa iyo, ipapaulit ang sinabi mo pero sasabihin mong di niya kailangang intindihin yun. Ngingitian ka niya at magpapasalamat, sasagot ka lang ng walang anuman.
Tuwing uwian, hinahatid mo siya sa istasyon ng tren, bitbit ang gamit niya, nag-uusap kayo tungkol sa eskwela. Bago siya sa umakyat sa tren, hahawakan mo siya sa braso, pipigilan mo siya at sasabihing gusto mo siyang makausap ng sandali. Ipagtatapat mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman, sasabihin mong mahal na mahal mo siya at siya ang dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundo. Aaminin mong matagal mo nang gustong ipaalam sa kanya, nag-iipon ka lang ng lakas ng loob. Matutuwa siya sa sinabi mo, sasabihing gayun din ang kanyang nararamdaman at hinihintay ka lang niyang magtapat sa kanya. Yayakapin mo siya sa tuwa at hahalikan sa noo. Ihahatid mo siya pauwi sa kanila na punong-puno ng kaligayahan.
Sometimes we can't help but to live on dreams...
Mangingiti ka. Sasabihin mo sa sarili mong ang laki mong tanga para kumapit sa isang pangarap na malayong magkatotoo. Muli mo siyang titingnan, susukatin mo ang layo nyo sa isa't isa. Mapapansin mong hindi na rin siya tumitingin sa 'yo, ni hindi na nga siya lumalapit para magpaturo. Tatanungin mo ang sarili mo, alam na kaya niya? 'Yang mga mata mo kasi, kug makatitig, malagkit pa sa kalamay. Pero hindi ka rin naman masisisi ng kahit na sino, ang tingnan siya, iyon lang kasi ag hininga na nagbibigay buhay sa iyo.
Magsisisi ka. Hindi mo dapat hinayaan ang sarili mo na mahulog sa kanya. Nasaan na siya ngayon? Iniiwasan ka na niya. Kung batiin ka man niya, pilit. Naiilang ka na rin sa kanya. Kahit magkaharap na kayo, kunwari hindi mo pa rin siya nakikita. Hahawak ka ng cellphone o kahit na anong bagay para ipakita na busy ka at hindi totoong inaabangan mo siyang dumaan sa pasilyo. Naiinis ka, kasi may mga pagkakataong gusto mo siyang makita, hahanapin mo siya sa loob ng campus pero oras na makita mo na siya, gusto mong kumaripas ng takbo papalayo.
Matalino ka...o matalino ka ba talaga? Bobo o tanga? A wise man knows his limitations. Ikaw? Kailan mo tatanggapin ang hangganan mo? Hindi masamang mangarap, pero hindi puwedeng habangbuhay ka na lang nabubuhay dito. Gumising ka, harapin mo ang katotohanan, kaklase lang ang turing niya sa iyo, wala siyang gusto sa 'yo at hindi kailan man magkakaroon. Wala kang pag-asa, wala kahit isa. Tanggapin mo na ang realidad. May mga pangarap na sadyang hindi puwedeng matupad, at isa na siya roon.
Minsan hindi natin maiiwasang mabuhay sa pangarap. Pero anu't-ano pa man, kailangan nating gumising at harapin ang katotohanan ng buhay. Hindi natin nakukuha ang lahat ng gusto natin, at ang pag-ibig, ay 'di 'sing tamis at 'di 'sing romantiko ng napapanood natin sa telebisyon o nababasa sa mga libro.

Comments

Popular posts from this blog

Of Buses

I awoke at the voice of the conductor. I looked through the half-tinted, fogged window of the bus, and saw that it was drizzling outside. The road was busy, deceitful and unwelcoming, as cars veered to and fro it's intersections. I stared at Rachel, sitting beside me, sleeping, her head resting on her side, with her hair brushing along the scarlet curtains. I watched as the lights from outside brightened her full cheeks. She is beautiful as ever. I noticed her pale red lips, dried by the cold temperature of the bus, move and twitch, and so I let my eyes escape her view. "Are we there yet?" she whispered, half-awake. I let out a sigh, then turned my head to her, shaking it, smiling. "What's taking us too long?" "We got stuck in traffic earlier. As always." Now its her turn to let out a sigh, an irritated one, and I saw her breath as it came out of her mouth. "Do you feel cold?" I asked. She nodded. I reached out my arm to t...

Perfect Love Story

This is my perfect love story. We meet while I am having a summer vacation in Puerto Princesa. Or maybe Boracay. Or Pagudpud. Or Baler. You are visiting your family. Or maybe you are taking a break with your friends. Or colleagues. We are in a restaurant, a cafe, and I am ordering a drink or a meal, and you are doing the same. We catch a glimpse at each other, and at that instantaneous moment, we both know. We are meant to be. The world stops spinning. But only in our heads, because everyone around us continue moving. Yet, we don't care. Time stands still, and all I see is you. I smile, and you catch yourself smiling back. You break your stare and blush. Time starts moving again. From that moment on, I couldn't stop looking your way. Yet you keep avoiding my eyes. Of course you will. You are a proud woman, you're not cheap, you're not easy to get. You stand up and excuse yourself. You say you are not feeling well and you start walking back to your cottage. I stan...

Gracenote's First Movement

Gracenote's First Movement makes a lasting movement. I am a fan of Gracenote. Their music is reminiscent of the 90's pop-rock that I grew up with, combined with punkish-rock elements. They're not too heavy, and not too pop either, they're at the middle, and that's why rockers from both spectrum can enjoy their sound. The Gracenote, from left to right Alvin Ortiz (who, sadly, already departed the band), Chen Pangan, Eunice Jorge, Jazz Jorge and EJ Pichay First Movement , I believe, is their second album. The first one, self-titled Gracenote , was released independently some time in 2009. Since then, they have come a long way and their music evolved. Three years ago you might have dared call them a Paramore knock-off, but now they are Gracenote. First Movement consists of 8 tracks, the last one being an acoustic version of their current single, Amnesia . Kicking off the album is Knock Knock , written by the band's lead vocalist herself, Eunice Jorge....