Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2008

Halos Limot na Kita

Halos limot na kita…halos Lipat, lipat, lipat. Kanina pa ako naghahanap ng matinong istasyon sa radyo para mapakinggan, pero masisira na ‘tong cassette sa kapipihit ko, wala parin akong mahanap. Finals na bukas, kailangan kong magreview at hindi ako makakapagreview ng maayos ng walang matinong background music. Linggo nga pala ngayon kaya panay mga oldies ang pinatutugtog. Type ko rin naman ang mga flashback songs kaya lang hindi 'yun ang trip kong pakinggan ngayon eh. I saw an old friend of ours today. Parang may kung anong nagpapigil sa kamay ko ng malipat sa istasyong pinatutugtog ang kantang iyon. She asked me about you, I didn’t know quite what to say . Sa pagkakarinig ko pa lang ng awit, may mga ala-alang pilit naghahanap ng lugar sa magulo kong utak. Parang may isang surot na nagpupumilit pumasok sa aking tenga. Hindi. Hindi maaaring magbalik ang nakaraang iyon. Hindi dapat ngayon, may exams ako bukas at kailangan kong mag-aral. Focus Michael, Focus!! Kailangan kong mag...