Skip to main content

Halos Limot na Kita


Halos limot na kita…halos
Lipat, lipat, lipat. Kanina pa ako naghahanap ng matinong istasyon sa radyo para mapakinggan, pero masisira na ‘tong cassette sa kapipihit ko, wala parin akong mahanap. Finals na bukas, kailangan kong magreview at hindi ako makakapagreview ng maayos ng walang matinong background music. Linggo nga pala ngayon kaya panay mga oldies ang pinatutugtog. Type ko rin naman ang mga flashback songs kaya lang hindi 'yun ang trip kong pakinggan ngayon eh.
I saw an old friend of ours today. Parang may kung anong nagpapigil sa kamay ko ng malipat sa istasyong pinatutugtog ang kantang iyon. She asked me about you, I didn’t know quite what to say. Sa pagkakarinig ko pa lang ng awit, may mga ala-alang pilit naghahanap ng lugar sa magulo kong utak. Parang may isang surot na nagpupumilit pumasok sa aking tenga.
Hindi. Hindi maaaring magbalik ang nakaraang iyon. Hindi dapat ngayon, may exams ako bukas at kailangan kong mag-aral. Focus Michael, Focus!! Kailangan kong magsunog ng kilay. Hindi ako dapat manatiling nakakapit sa mga ala-alang kung tutuusin ay may isang buwan ko na dapat kinalimutan.
Krriinngg…kriiingg! Langya. Hindi ba ako patatahimikin ng gabing ito? Mag-aalas diyes na ng gabi, heto ako pilit na nag-aaral, nagrereview para sa exams bukas, tapos heto ang telepono, nangungulit nandidistorbo, nagsusumigaw na sagutin ko siya, naninira ng konsentrasyon. Kung bakit ba naman kasi pinasok-pasok ko pa itong telepono namin sa kuwarto ko, eh di sana tuloy-tuloy akong nakakapag-aral.
Hello? Sino ba ‘to? Inangat ko ang telepono at magalang ko pa rin namang sinagot ang nasa kabilang linya sa kabila ng aking pagkainis.
Hello Mike, ako ‘to. Shit! Boses pa lang kilala ko na, si Bernadette.
Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng tumawag sa akin eh itong lintik na babaing ito pa! Alam ba ng tadhana na ito ang dahilan kung bakit halos isang buwan akong umiiyak, gabi-gabi?
Oh Bern, napatawag ka?
Wala lang, nagpaparamdam lang.
Linsyak na babae yan oh, inistorbo ako sa pag-aaral ko para lang sa wala. Nasisiraan na talaga siya ng bait.
Nagpaparamdam? Ano ka multo?
Mike…
Ano?
May ginagawa ka ba?
Meron. Marami. Gusto mong malaman yung isa? Kinakalimutan kita. Yun ang isa sa ginagawa ko. At tulad ng sabi sa kantang tumutugtog ngayon, halos nakalimutan na kita. Halos, nang bigla kang tumawag at muling pinaalala sa akin na hindi pa kita talaga tuluyang nalilimot.
Meron, marami. Nagrereview ako eh. Ano, finals na kasi namin eh. Ikaw, 'di n'yo pa ba finals?
Mike, may gusto lang sana akong itanong eh…
Kung mahal pa kita? Itatanong mo ba kung may nararamdaman pa ako sa iyo? Aaaminin ko, mer…
Ano naman yun?
Galit ka pa ba??
Oo. Galit ako. Galit na galit. Galit ako sa’yo dahil sa ginawa mo sa ‘kin, dahil sa ginawa mo sa ‘tin. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari ang mga nangyari sa ating dalawa. At galit ako sa mundo dahil patuloy silang gumagawa ng bagay na ikapaghihiwalay natin.
Galit? Tungkol naman saan?
Mike naman, para kang sira eh, eh di yung sa...sa atin. Yung nangyari sa atin…yung ginawa...yung ginawa ko... sa...sa'yo.
Bakit biglang humina ang boses mo? Nahihiya ka ba na baka marinig ng iba na niloko mo ‘ko? Nahihiya ka ba sa ginawa mo? Marunong ka rin naman palang mahiya.
Bernadette naman eh, wala akong panahon sa mga ka-dramahan mo. Kung hindi mo ako titigilan magagalit talaga ako sayo. Bern, nag-aaral ako eh, wag mo muna akong abalahin tungkol sa mga ganyang bagay.
Mike gusto ko lang naman malaman kung napatawad mo na ba ako. Nagsorry na ako sa’yo di ba? Pinagsisihan ko na lahat. Mike, have you forgiven me?
No! Hindi! Hindi pa kita pinapatawad, at kahit mag-Ingles ka pa dyan, at kahit ilang beses ka bang mag-sorry, o maglupasay pa kaya, hindi kita patatawarin. Ayaw kitang patawarin. Gusto kong isipin ko na galit ako sa’yo para mas madali kitang makalimutan. At gusto kong isipin mo na galit ako sa’yo para di mo na ako tawagan tuwing nagrereview ako.
Bern naman, parang awa mo na, wag ngayon, ha? Mag-usap na lang tayo pagkatapos ng finals. Gusto ko munang mag-concentrate ngayon sa exams, pwede?
Mike, sabihin mo lang sa akin please kung napatawad mo na ba ako. Mike, please...
Bakit ba? Bakit ba gusto mong malaman? Hindi ka ba paaakyatin sa langit kapag hindi kita pinatawad? Gusto mo na bang ikumpisal lahat ng mga kasalanan mo?! Ganun ba?!
Tumaas na ang boses ko, di ko na napigilan, pero okey na rin yun para masisip niyang naiinis na ako, siguro naman ibababa na niya ang telepono.
Nanahimik din ang walang hiya sa kabilang linya. Tinamaan siguro sa mga sinabi ko.
Si...sige Mike, goodbye na. Good luck na lang sa exams mo.
Teeeeet-teeeeeet...
Sa wakas binaba na rin.
Kung alam mo lang Bern, sa kabila ng mga ginawa mo sa akin, mahal na mahal pa rin kita. Hindi naging sapat ang mga panloloko mo para tuluyan kitang makalimutan at matanggal ang pangalan mo sa puso ko. Kulang ang mga luhang ibinuhos ko upang mabura ang mukha mo na nakapinta na sa isip ko.
Mahal kita, at patuloy pa rin siguro kitang mamahalin hanggang sa malagutan ako ng hininga. Mahirap nang kumawala ang isang bagay na nakasanayan mo na.
Mahal kita.
So if you come back around after painting the town, you'll see I'm almost over you... Tapos na ang kanta, tulad ng lahat ng bagay na may katapusan, sigurado ako malilimot din kita. Pg i, makakalimutan din kita...
Makakalimutan din kita...
Makakalimutan...
Makakalimutan...
Krriiiiing! Kriiinng!
Telepono? Nagising ako sa tunog ng telepono... Nagising? Anak ng tinapa, nakatulog pala ako. Anong oras na...alas singko na ng umaga? Asar naman! Nakatulog ako ng 'di ko namalayan! Papasok nanaman ako sa eskwela na wala pa akong nare-review! Nakakainis talaga! Kasalanan 'tong lahat ng babaeng 'yon eh!
Krriiiiing! Kriiinng! Eh sino naman kaya 'tong tumatawag na 'to kay-aga aga!
Hello? Sino 'to?
Hello, Mike? Si Rowena 'to.
Oh Weng, ikaw pala, napatawag ka? Ang aga pa ah?
Tinatawagan kita kagabi, una busy, tapos nung sumunod 'di mo naman sinasagot!
Nakatulog ako eh. Bakit ka nga napatawag?
Si best, si Bernadette mo...
Oh ano nanamang meron dun?
Naaksidente siya kahapon.
Ha? Paano? Anong nangyari?
Nabangga siya kahapon, habang papauwi kami, sa may labas ng school, basta ang bilis ng mga pangyayari, tapos, tapos...yun na, nakita na lang namin siya, andun...
Anak ng teteng naman oh, may nangyari pala sa kaniya hindi man lang sinabi sa akin. Siguro nasa ospital pa yun kagabi. Kaya pala siya napatawag. Naku, nasigawan ko pa naman siya, lagot na. Pero kasalanan naman niya yun eh, kung sinabi niya sa aking nasa ospital siya at hindi maganda ang lagay niya eh di sana kinausap ko siya ng matino. Hindi ko pala dapat siya sinigawan sa telepono.
Oh, ano nang lagay niya ngayon, di naman siguro grabe yung nangyari?
Mike! Ano kaba?!
Bakit nanaman?
Dead on arrival siya!

Comments

  1. Ngyaakkk.. Pare ko! dko alm kung matatawa ako sa Post mo o ano. Totoo ba 'to?

    Di ko alam pano ako magre-react :))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Of Buses

I awoke at the voice of the conductor. I looked through the half-tinted, fogged window of the bus, and saw that it was drizzling outside. The road was busy, deceitful and unwelcoming, as cars veered to and fro it's intersections. I stared at Rachel, sitting beside me, sleeping, her head resting on her side, with her hair brushing along the scarlet curtains. I watched as the lights from outside brightened her full cheeks. She is beautiful as ever. I noticed her pale red lips, dried by the cold temperature of the bus, move and twitch, and so I let my eyes escape her view. "Are we there yet?" she whispered, half-awake. I let out a sigh, then turned my head to her, shaking it, smiling. "What's taking us too long?" "We got stuck in traffic earlier. As always." Now its her turn to let out a sigh, an irritated one, and I saw her breath as it came out of her mouth. "Do you feel cold?" I asked. She nodded. I reached out my arm to t...

Perfect Love Story

This is my perfect love story. We meet while I am having a summer vacation in Puerto Princesa. Or maybe Boracay. Or Pagudpud. Or Baler. You are visiting your family. Or maybe you are taking a break with your friends. Or colleagues. We are in a restaurant, a cafe, and I am ordering a drink or a meal, and you are doing the same. We catch a glimpse at each other, and at that instantaneous moment, we both know. We are meant to be. The world stops spinning. But only in our heads, because everyone around us continue moving. Yet, we don't care. Time stands still, and all I see is you. I smile, and you catch yourself smiling back. You break your stare and blush. Time starts moving again. From that moment on, I couldn't stop looking your way. Yet you keep avoiding my eyes. Of course you will. You are a proud woman, you're not cheap, you're not easy to get. You stand up and excuse yourself. You say you are not feeling well and you start walking back to your cottage. I stan...

Gracenote's First Movement

Gracenote's First Movement makes a lasting movement. I am a fan of Gracenote. Their music is reminiscent of the 90's pop-rock that I grew up with, combined with punkish-rock elements. They're not too heavy, and not too pop either, they're at the middle, and that's why rockers from both spectrum can enjoy their sound. The Gracenote, from left to right Alvin Ortiz (who, sadly, already departed the band), Chen Pangan, Eunice Jorge, Jazz Jorge and EJ Pichay First Movement , I believe, is their second album. The first one, self-titled Gracenote , was released independently some time in 2009. Since then, they have come a long way and their music evolved. Three years ago you might have dared call them a Paramore knock-off, but now they are Gracenote. First Movement consists of 8 tracks, the last one being an acoustic version of their current single, Amnesia . Kicking off the album is Knock Knock , written by the band's lead vocalist herself, Eunice Jorge....