As I was going home this morning, I came up with this song. I wanted it to be reminiscent of Adam Sandler's Grow Old With You from the movie, The Wedding Singer. I made it campy and funny, but still conveys the romantic message of undying love.
Tatanda Kang Dalaga
lyrics by Marvin Tolfo
Di kita mapipigilan kung gusto mong umalis
Wala akong magagawa kundi sa 'yo ay mainis
Hindi ko makakaya pag ikaw sa aki'y mawala
Kaya ngayon baunin mo itong aking sumpa:
Tatanda kang dalaga, tatanda akong binata
Di man tayo mag-asawa, tayo pa rin ang magkasama
Mahal pa rin naman kita kahit ikaw ay mataba
Kahit na ang tamad mo't luto mo ay mapakla
Hindi kita iiwan magalit man ang tatay mo
Kahit ako ay iyong talikuran, isinusumpa ko:
Tatanda kang dalaga, tatanda akong binata
Di man tayo mag-asawa, tayo pa rin ang magkasama
Eh ano kung mayaman siya, mabait naman ako
Lagi ko ngang sinusunod ang utos ng nanay mo
Sige lang magsama kayo, magsasawa ka rin d'yan
Ako lang naman ang makakatiis sa ugali mong ganyan
Ano ngayon kung bitter ako, masakit ang yong ginawa
Kaya, heto, tandaan mo ang aking sumpa:
Pagpatak mo ng sisenta, at wala ka pang asawa
Kakaladkarin kita sa loob ng kapilya
At sa ayaw mo't sa gusto, pakakasal tayo
Kasi naman ayaw ko...
Na tumanda kang dalaga, at tumanda akong binata
Kaya habang maaga pa, mag-isip isip ka na.
Comments
Post a Comment