Labing-limang letra, mula A hanggang D. Ito ang laman ng kapirasong intermediate pad na iniabot kay Willie ng classmate niyang nakaupo sa likuran. Hindi siya tanga, alam niya kung ano ito. Tiningnan niya ang bond paper na nasa desk niya, 15 na tanong, multiple choice, 1st part ng quarterly exam. Pero hindi niya kailangan to. Consistent top 1 si Willie mula 1st year hanggang 3rd year, pero dahil sa iskandalong ginawa ng Nanay niya noong March, tinanggal siya sa Section 1. At ngayon nga, nasa lower section na siya, mas kumpiyansya siya na makukuha niya ang top 1, lalo na't mas mahina ang kompetisyon dito. Tiningnan niya ulit ang papel, tiningnan ang likuran nito, walang nakasulat. Tumingin siya sa Teacher, nasa pintuan ito, nakikipag-tsismisan sa isa pang guro. Dahan-dahan siyang tumingin sa likuran, isang payat na lalake na may maluwang na uniform ang nag-abot sa kanya ng papel. Nakalimutan niya ang pangalan ng kaklase niyang ito, pero alam niya nakakausap niya to. Ipinapaab...
stories • thoughts • journeys • countless letters on paper