Skip to main content

Kodigo



Labing-limang letra, mula A hanggang D. Ito ang laman ng kapirasong intermediate pad na iniabot kay Willie ng classmate niyang nakaupo sa likuran. Hindi siya tanga, alam niya kung ano ito. Tiningnan niya ang bond paper na nasa desk niya, 15 na tanong, multiple choice, 1st part ng quarterly exam.

Pero hindi niya kailangan to. Consistent top 1 si Willie mula 1st year hanggang 3rd year, pero dahil sa iskandalong ginawa ng Nanay niya noong March, tinanggal siya sa Section 1. At ngayon nga, nasa lower section na siya, mas kumpiyansya siya na makukuha niya ang top 1, lalo na't mas mahina ang kompetisyon dito.

Tiningnan niya ulit ang papel, tiningnan ang likuran nito, walang nakasulat. Tumingin siya sa Teacher, nasa pintuan ito, nakikipag-tsismisan sa isa pang guro. Dahan-dahan siyang tumingin sa likuran, isang payat na lalake na may maluwang na uniform ang nag-abot sa kanya ng papel. Nakalimutan niya ang pangalan ng kaklase niyang ito, pero alam niya nakakausap niya to. Ipinapaabot yata ang papel para sa babaeng nasa 2nd row. Tiningnan niya ulit ang papel at ikinumpara sa sariling test paper, sabay ngiti sa sarili.

Isinukbit ni Willie ang papel sa bulsa ng polo niya at bumalik sa pagsagot ng sariling test paper, nasa 3rd part na siya ng exam, true or false. Matapos ang ilang sandali, narinig niyang sinisitsitan ng babaeng nasa 2nd row ang lalake sa likuran niya, tumingin siya sa pinto, lumabas na pala ang teacher nila hindi niya napansin. Tumingin siya sa kaklase, "Asan na?" ang basa niya sa bibig nito na kausap ang lalake sa likuran niya.

"Inabot ko na." ang mahinang sigaw ng lalake sa likuran ni Willie. Nang puntong yun, tiningnan na siya ng dalawang kaklase na nag-uusap. Iniwasan niya ang tingin ng dalawa at bumalik sa pagsasagot ng test paper.

Mula sa gilid ng paningin niya, nakita n'yang tumayo ang babae sa 2nd row at payukong lumapit sa pwesto ng lalake sa likuran. "Asan na?" Muling tanong ng dalaga.

"Inabot ko sa kanya", sagot ng lalake sa likuran niya.

"Classmate, yung inabot niyang papel kanina?" tanong sa kanya ng babae.

Tiningnan niya ang kaklase na nakayuko na sa tabi ng kanyang armchair. Kilala niya ang babaeng to, pero di gaya ng iba niyang classmate na ka-close niya, kilala lang niya to sa pangalan at mukha. Siya si Grace, ang dati niyang crush.

Second year pa lang siya nang una niyang nakita si Grace. Flag ceremony noon, at siya ang dalagang napili para mag-beat ng Pambansang Awit. Gandang-ganda siya noon kay Grace. Morena, mahaba ang buhok, pahaba ang mukha, matangos ang ilong na pang-mestisa, may kalaparan ang bibig at may malaking nunal sa ibabaw ng labi na parang kay Lorna Tolentino. Mula noon, palagi na niya siyang napapansing kumakain sa canteen, nakatambay sa quadrangle o naglalakad sa hallway, at sa tuwing nakakasalubong niya ito, napupuno ng paru-paro ang sikmura niya.

Hanggang sa nag-fourth year siya, at nalipat sa lower section at naging mag-classmate sila ni Grace. Dito niya nalaman na madaldal pala ito, maingay, tamad mag-aral at palaging nakikipag-harutan sa mga lalake. Nawala ang pagkagusto niya sa dalaga, nawala ang mga paru-paro. Ibang-ibang siya sa imahe ng Grace na binuo niya sa isipan niya.

"Aling papel?" tanong ni Willie sa dalaga, "yung kodigo n'yo?"

"Hindi yun kodigo", depensa ni Grace, "Scratch paper lang yun. Dali na classmate, please..."

"Gumamit ka na lang ng ibang scratch paper."

"Hindi p'wede, may ano yun, lucky charm ko yun. Oo, lucky charm ko yung papel na yun." palusot ng dalaga.

Sumulyap sa pintuan si Willie at bumalik sa pagsasagot ng test paper.

"Dali na classmate, akin na yung papel, please... ang pog-pogi mo pa naman, wag kang ganyan, kailangan ko yun, sige na, aanhin mo ba yun? Dali na, please..." ang pagmamakaawa ng dalaga.

Natawa si Willie sa loob-loob niya. Hindi 'pogi' ang salitang karaniwang binabato para i-describe siya. Nanay nga niya, bihira lang yun gamitin sa kanya. Maitim, pango, malaki ang panga, at tadtad ng tigyawat. Sila Bobby Andrews o Polo Ravales, sila ang guwapo, at ilang milya ang layo ng itsura nila sa kanya.

Nagmatigas pa rin ang binata kahit binola na ng kausap. "Hindi p'wede, isusumbong ko kayo kay Ma'am, sige..." banta niya.  Napansin ni Willie na tumingin si Grace sa bulsa ng polo niya, inabangan niya kung huhugutin ba nito ang papel sa bulsa niya, pero hindi iyon ang nangyari. Tumalikod ang dalaga, at akmang babalik na sa silya nito. Pinagmasdan niya ang likuran nito, pero nang akala niyang tapos na ang pangungulit nito, bigla itong humarap sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Napatigil si Willie sa nangyari, naramdaman niyang bumulusok ang dugo niya papunta sa kanyang pisngi, nagbalik ang mga paru-paro, at bumagal ang oras. Sa isang kisapmata, nakita niya ng malapitan ang mukha ng dati niyang crush. Nakapikit ito, at malapad ang noo dulot ng pagkakalapit sa kanya. Dumilat ang dalaga at nakita niyang naging apat ang mga mata nito, para siyang nahihilo na ewan. Hindi niya namalayan na bumitaw na pala sa pagkakahalik si Grace, ilang minuto na ba ang lumipas?

Pero sa kabila ng lutang na pakiramdam, napansin pa rin niya ang pagdukot ni Grace sa bulsa ng kanyang polo. Agad niyang hinablot ang kamay nito, at inagaw ang kapiraso ng papel. Napahinto ang dalaga, halu-halo ang inis, disappointment at pagkahiya sa mukha nito. Inantay niya kung papalag pa ang kaharap, pero padabog na lang itong bumalik sa kanyang silya.

Sakto naman ang pasok ng kanilang guro, na nagulat sa nadatnan sa classroom. 45 na estudyante, lalake at babae, ang gulat na gulat na nakatingin kay Willie.

"Bakit? Anong nangyari?" pagtatakang tanong ng guro. "Tapos ka na ba Willie?" Nagsibalikan na sa pagsasagot ang mga classmate nila.

"Yes Ma'am", biglang sagot ni Willie. Mabilis siyang bumalik sa test paper at dali-daling sinagutan ang huling tatlong tanong: true, true, false. Titiklupin na sana niya ang test paper, pero napahinto siya sandali. Matapos siguruhin na hindi nakatingin ang teacher, mabilis niyang tinuklap ang nakatuping piraso ng papel, inekisan ang ilang letra at sinulatan ng panibagong mga letra sa ibabaw. Muli niyang itiniklop ang papel, kasabay ng test paper. Tumayo siya papunta sa mesa ng guro, pero pagdaan sa second row, pasimple niyang hinulog ang papel, na agad namang napansin ni Grace.

Pinulot ng dalaga ang papel, patagong binuksan, at napangiti.


Comments

Popular posts from this blog

Of Buses

I awoke at the voice of the conductor. I looked through the half-tinted, fogged window of the bus, and saw that it was drizzling outside. The road was busy, deceitful and unwelcoming, as cars veered to and fro it's intersections. I stared at Rachel, sitting beside me, sleeping, her head resting on her side, with her hair brushing along the scarlet curtains. I watched as the lights from outside brightened her full cheeks. She is beautiful as ever. I noticed her pale red lips, dried by the cold temperature of the bus, move and twitch, and so I let my eyes escape her view. "Are we there yet?" she whispered, half-awake. I let out a sigh, then turned my head to her, shaking it, smiling. "What's taking us too long?" "We got stuck in traffic earlier. As always." Now its her turn to let out a sigh, an irritated one, and I saw her breath as it came out of her mouth. "Do you feel cold?" I asked. She nodded. I reached out my arm to t...

Perfect Love Story

This is my perfect love story. We meet while I am having a summer vacation in Puerto Princesa. Or maybe Boracay. Or Pagudpud. Or Baler. You are visiting your family. Or maybe you are taking a break with your friends. Or colleagues. We are in a restaurant, a cafe, and I am ordering a drink or a meal, and you are doing the same. We catch a glimpse at each other, and at that instantaneous moment, we both know. We are meant to be. The world stops spinning. But only in our heads, because everyone around us continue moving. Yet, we don't care. Time stands still, and all I see is you. I smile, and you catch yourself smiling back. You break your stare and blush. Time starts moving again. From that moment on, I couldn't stop looking your way. Yet you keep avoiding my eyes. Of course you will. You are a proud woman, you're not cheap, you're not easy to get. You stand up and excuse yourself. You say you are not feeling well and you start walking back to your cottage. I stan...

Gracenote's First Movement

Gracenote's First Movement makes a lasting movement. I am a fan of Gracenote. Their music is reminiscent of the 90's pop-rock that I grew up with, combined with punkish-rock elements. They're not too heavy, and not too pop either, they're at the middle, and that's why rockers from both spectrum can enjoy their sound. The Gracenote, from left to right Alvin Ortiz (who, sadly, already departed the band), Chen Pangan, Eunice Jorge, Jazz Jorge and EJ Pichay First Movement , I believe, is their second album. The first one, self-titled Gracenote , was released independently some time in 2009. Since then, they have come a long way and their music evolved. Three years ago you might have dared call them a Paramore knock-off, but now they are Gracenote. First Movement consists of 8 tracks, the last one being an acoustic version of their current single, Amnesia . Kicking off the album is Knock Knock , written by the band's lead vocalist herself, Eunice Jorge....