Posts

Living on Dreams

Sometimes we can't help but to live on dreams... Matalino ka, isang henyo. Halimaw ang tawag sa iyo ng mga classmate mo, hindi kasi utak ng tao ang nasa loob ng bungo mo. Para sa iyo sisiw lang ang mga bagay na gabundok ang hirap para sa lahat. Hindi sa 'yo uso ang salitang imposible. Kaya mong gawing madali kahit ang pinaka-komplikadong bagay. Ikaw ang tipo ng taong gagawin ang lahat matupad lang ang mga pangarap...maliban na lang sa isa. Maganda siya, mabait at matalino bagamat hindi 'sing-talino mo. Noong una mo siyang makita, inamin mo na agad sa sarili mo na may gusto ka na sa kanya. S**t! Nakahanap ka rin ng katapat mo. Ngunit binawi mo ang lahat. Pilit mong pinapaniwala ang sarili mo na wala kang gusto sa kanya, hindi ka puwedeng magkagusto sa kanya. Para sa iyo, mas superyor ang utak kaysa puso kaya hindi ka puwedeng magpadala sa nararamdaman nito. Hindi puwede, hindi dapat. Pero ano 'to? Sa tuwing nakikita mo siya bumibigay ang kabuuan mo, bumabagsak an...

HEAVYARMED

Sa Lugar na Laganap ang kriminalidad; Sa Lungsod na balot ng takot; Kung Kailan Akala mo'y wala nang Pag-asa Darating ang mga Bagong Bayani... Bayani?? Ipinakikilala... ang bagong mga bayani ng Maynila... HEAVY ARMED Task Force T.A.E. 1. Jacob Nicolas AKA Jhecks lider ng grupo drop-out ng PMA pasaway! 2. Rogelio Aguilar AKA LiongPusa computer genius graduate ng AMA muntik nang makuha ni Bill Gates 3. Mark Reguyal AKA MaHulk physical offense frustated boxer pangarap talunin si Pacquiao 4. Kevin Idañol AKA KEKnight bomb & firearms expert gangster nung H.S. former member ng M-5 5. Edward Cunanan AKA Ian communications specialist sinibak ng Smart, lumipat sa Globe mahirap ma-contact, laging walang signal 6. Gary Gail Marquina AKA G2 spy dating sidekick ni Bitoy maraming mukha, lahat makapal 8. Alfie Restoles AKA Lafe driver at pilot dragracing champion na walang tsikot nangarnap ng chopper 9. Marlou Majait AKA Balon assassin ikinalugi ng Time-Crisis pasmado Sil...

pAngAsAr nAkAkAmiss

pAngAsAr nAkAkAmiss May mga bagay akala nati'y Sa atin habang buhay Ngunit tayo'y nabibigo Pagkat ito'y nawawalay May mga bagay nais nati'y Sa ati'y di lumisan At sa bawat nitong pagwalay Puso'y nasasaktan May mga bagay na ang tangan Sa atin ay kasiyahan Ngunit pang-asar na kapalaran Iyon pa ang di iniwan May mga bagay na hinahanap Mayroong di makalimutan Ngunit napipilitan Ayaw mang magpaalam May mga bagay na ating ibig Ngunit wala sa ating piling Mayroon namang nasa paligid Ngunit mahirap mahalin May mga bagay tayong mahal Mayroon tayong mga pangarap May mga taong mahal natin Ngunit nawawala sa isang iglap Kung makakasama lamang kita Sa bawat kong umaga Di sana'y di na ginawa Walang silbi kong tula