Minsan nakakainis sumakay ng LRT, ang haba na ng pila, siksikan pa pagdating sa loob, tapos minsan ang tagal-tagal pa dumating. Sabi nila, parang ganun din daw ang pag-ibig. Susubukin talaga ang pasensya mo, e-effort kang pumila ng pagkahaba-haba para makasakay, pipilitin mong makapasok at makikipagsiksikan sa loob kahit parang hindi na pwede, titiisin ang sikip, titiisin ang hirap, matigas ang ulo mo eh, martir ka na ipinagtatayo ng rebulto. May mga tao naman na idealistic, tipong naghihintay ng skip train, naghihintay ng tren na maluwag, yung hindi sira ang aircon, hindi nila alam, nalampasan na pala sila ng tren na para sa kanila. Meron namang nakasakay na sa tren, pero sa gitna ng byahe, magbabago ang isip, magbabago ang puso, bababa at lilipat sa ibang tren. Masakit, lalo na para doon sa maiiwan, dahil umasa na siya na hindi na niya kailangan pang mag-abang ng ibang tren. Umasa siya na sabay silang makakarating sa last station. Two years ago, first o second week ata yun...
stories • thoughts • journeys • countless letters on paper