Skip to main content

Train



Minsan nakakainis sumakay ng LRT, ang haba na ng pila, siksikan pa pagdating sa loob, tapos minsan ang tagal-tagal pa dumating. Sabi nila, parang ganun din daw ang pag-ibig. Susubukin talaga ang pasensya mo, e-effort kang pumila ng pagkahaba-haba para makasakay, pipilitin mong makapasok at makikipagsiksikan sa loob kahit parang hindi na pwede, titiisin ang sikip, titiisin ang hirap, matigas ang ulo mo eh, martir ka na ipinagtatayo ng rebulto. May mga tao naman na idealistic, tipong naghihintay ng skip train,  naghihintay ng tren na maluwag, yung hindi sira ang aircon, hindi nila alam, nalampasan na pala sila ng tren na para sa kanila. Meron namang nakasakay na sa tren, pero sa gitna ng byahe, magbabago ang isip, magbabago ang puso, bababa at lilipat sa ibang tren. Masakit, lalo na para doon sa maiiwan, dahil umasa na siya na hindi na niya kailangan pang mag-abang ng ibang tren. Umasa siya na sabay silang makakarating sa last station.

Two years ago, first o second week ata yun ng June, simula pa lang ng klase, naglalakad papuntang UN Ave. station si Francis, kasama niya siyempre si Cheska. May kalahating taon na rin silang mag-girlfriend. Nagkakilala sila sa isang pageant na in-organize ng USG (University Student Government), kung saan nanalong 2nd place si Cheska. After ng pageant, niligawan ni Francis si Cheska, after 3 weeks, sila na.

Guwapo si Francis, inimbento yata ang katagang tall, dark and handsome para i-describe siya. Richard Gomez, yun ang asar sa kanya ng Nanay niya. 4th year si Francis noon, kumukuha ng Civil Engineering sa TUP. Pero sa totoo lang, medyo may problema sa ugali tong si Francis, maangas, yan ang description sa kanya ng ibang tao kapag tanungin mo. Mayabang, arogante, antipatiko. Pero kahit ganun ang image niya, nanalo pa rin siyang Governor ng College of Engineering. Kaya siya napasok sa USG, at kaya niya nakilala si Cheska.

Maganda si Cheska, matangkad, pang-beauty queen talaga. Maputi, maganda ang pigura, maaliwalas ang mukha, mahaba ang leeg, buo at makakapal ang labi, mapostura. Computer Science ang kurso niya. 1st year siya ng manalong Ms. Compass (pageant ng organization ng mga Com-Sci students). 2nd year, nanalong Ms. College of Science, tapos diretso sumali ng Mr. and Ms. TUP nang parehong taon. Medyo minalas siya sa question and answer kaya hindi nanalo. Isang complete headturner itong si Cheska, and she's not afraid to live up to that image. Maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya, at magmula noong first year, marami-rami na siyang naging boyfriend, karamihan short-term relationships lang.

Anyway, balik tayo sa kwento, papauwi na sila Cheska noong time na yun, hinahatid siya ni Francis. Pa-north si Cheska, pa-south ang lalaki. Papaakyat sa station, tuloy-tuloy lang sa routine niyang pagkukuwento ang binata. Kwento tungkol sa klase, sa freshmen orientation, sa DOTA.

"Sigurado ka hindi na kita ihahatid?" tanong ni Francis pagkarating sa taas.

"Huwag na," sagot ni Cheska, nakasimangot at iritable ang mukha nito.

"Ano ba problema mo? Kanina pa kita tinatanong ayaw mo namang magsalita." Di mo malaman kung galit o ano itong si Francis.

Tiningnan lang ni Cheska ang boyfriend sa mukha. Stern at cold na tingin, may kasama pang pagkiskis ng ngipin na parang may nginunguyang bubble gum. "Gusto ko nang makipag-break."

"Ano?" Natatawang tanong ni Francis. "Nagjo-joke ka ba?"

"Mukha ba kong nagpapatawa?" Lalong nainis si Cheska sa sinabi ng binata.

"Bakit?" Sumeryoso na ng onti ang expression ni Francis, na parang nage-gets na niya.

"Ayoko na. Sawa na ko."

"Yun lang?"

"Eh bakit ano pa bang dahilan ang gusto mo?" Pabulong na pasigaw. Medyo naiinis na si Cheska sa inaasal ng boyfriend pero ayaw niyang gumawa ng eksena, wag dito, wag sa LRT. Maraming tao, may mga taga-TUP, yung iba mukhang kilala pa siya.

"Bawiin mo yang sinabi mo."

"Hindi. Sige na, bye." Tumalikod si Cheska, naglakad papunta sa turnstile, nang hablutin ni Francis ang braso niya. "Ano ba, masakit!!"

"Hindi ka pwedeng makipag-break sa kin."

"Tama na please. Wag kang mag-iskandalo dito, nakakahiya. Ayoko na, ok? Tapusin na natin to, hindi na ko masaya. Na-realize ko, hindi pala kita mahal. Bitiwan mo na ko, pwede?" Kinalas ni Cheska ang kamay at dali-daling pumasok sa platform.

Napatayo at napatanga si Francis sa nanyari. Hindi pa agad nag-sink in sa utak niya lahat. Ilang segundo pa, natauhan siya, nakita niya si Cheska, papasok sa loob ng tren, mabilis syang kumilos patakbo para sundan ito. Kaso wala siyang card, wala na siyang oras para bumili. Sa pagmamadali, tinalunan niya ang turnstile, pero inawat siya ng guwardiya.

Ayaw magpapigil ni Francis, sinisigaw ang pangalan in Cheska, may dumating pang isang guard at pinagtulungan nang awatin ang binata.


***

Palipat-lipat si Mrs. Rellente mula sa pagsilip sa bintana at pagtingin sa wall clock. Quarter to eleven na, wala pa ang anak. Hindi naman ganito ang binata, madalas nagtetext yun kapag gagabihin. Tinatawagan niya pero patay ang cellphone.

"Baka naman nasa mga kaibigan." Ang pag-aalo ni Mrs. Corpuz. Alas-kuwatro pa sila ng anak nitong si Andrea nasa bahay nila Mrs. Rellente, una para dalawin na ang inaanak nitong may 7 years na rin atang di nakikita, at para ipagbilin na rin ang anak.

"Hindi ko rin makontak mga kaklase niya eh." Sagot ni Mrs. Rellente. Matagal nang magkumare ang dalawa, ninang ng anak niya si Mrs. Corpuz at ninang naman siya ni Andrea. Seven years ago nang lumipat sila sa Maynila galing sa Marinduque. Mula noon, bihira na lang sila magsulatan, pero hindi naman sila nagkalimutan. Nitong linggo lang, aksidenteng nagkasalubong and dalawa sa Divisoria, nagulat sila, hindi nila inaasahan.

First year College na pala si Andrea, at sa Maynila siya mag-aaral. Hinatid lang ito ni Mrs. Corpuz para humanap ng dormitoryo o bedspace.

"Bakit hindi ka na lang sa 'min tumuloy", alok ni Mrs. Rellente kay Andrea, "tutal, dalawa na lang naman kami ng anak ko, may ekstrang kuwarto pa naman sa bahay, dun ka na lang, hindi pa kayo gagastos."

"Nakakahiya naman sa 'yo kumare", sagot ni Mrs. Corpuz.

"Hindi, ano ka ba, hindi na rin naman na iba tong si Andrea sa 'kin", wika ni Mrs. Rellente, "tsaka naku matutuwa yung kababata mo na yun, matagal din kayong di nagkita di ba?" Sambit nito sa dalaga.

Dalagang Filipina, yan ang bagay na description kay Andrea, hindi katangkaran, morena ang kutis, pero hindi maitim. Medyo mukhang mataray ang malapad na mukha, at may mangilan-ngilang peklat ng tigyawat, pero kita mo ang kagandahan. Walang exceptional sa itsura, pero kapansin-pansin pa rin. At siyempre, dahil laking probinsya, simple lang kung manamit at kumilos.

Nung gabi ngang yun, nagpunta sila Andrea at ang Nanay nito sa bahay nila Mrs. Rellente, dala dala na ang gamit, napagkasunduan nang dito titira si Andrea hanggang maka-graduate ng kursong Computer Education. Excited na excited si Mrs. Rellente, akala mo dalagang dinalaw ng manliligaw, pero nawala ito nang lumalim na ang gabing hindi pa umuuwi ang anak.

"Kung inaantok na kayo, sige, akyat na kayo sa kuwarto. Kailangan ko na ring mag-impake ng gamit at bukas na ang alis ko." Wika ni Mrs. Rellente. Sinamahan niya ang mag-ina papasok sa kanilang kuwarto, na dating kuwarto ng katulong.

Siya rin namang pasok niya sa kanyang kuwarto. Maya-maya pa'y narinig na niyang bumukas ang gate. Dali-dali itong tumayo at lumabas para salubungin ang paparating.

"Kiko! Bakit ngayon ka lang anak, ha?" Maamong tanong sa bagong pasok.

Wasted na wasted ang itsura ni Francis, amoy suka ang uniform na suot, gulo ang buhok, at humahalimuyak ang simoy ng Emperador sa hininga. Hindi ito nagsalita at dire-diretsong pumasok sa kuwarto nito.

"Kiko! Anong nangyari anak?"

Na-alert sila Andrea kaya't idinungaw ang ulo sa labas ng kuwarto at nadampihan ng tingin si Francis.

Haaay, si Kiko. Na kung tawagin nung bata sila eh Kiko-batsoy dahil sa taba nito. Si Kiko na iyakin, si Kiko na Mama's boy, si Kikong gusgusin. Si Kiko, ang kanyang first love.

Sabay lumaki sila Andrea (Ye-yang) at Francis (Kiko). Palibhasa'y magkatabi ng bahay, kaya palagi silang magkasama. Mas matanda ng tatlong taon si Francis sa kanya pero mas matured siya kesa dito. Mas nauna rin siyang nag-dalaga (na kakatwa kasi yung tangkad niya nung naghiwalay sila 7 years ago, eh yun pa rin ang tangkad niya ngayon, nadagdagan lang ng onti) Noong mga panahong yun, tabain pa si Francis kaya palagi itong inaasar ng mga kalaro, sabay dating naman ni Andrea para ipagtanggol ito. Mataray siya nung bata, kaya takot ang mga ito sa kanya. Tapos ihahatid niya si Francis, yun ay after niya itong patahanin.

Kahit ganun sila nung mga bata, alam ni Andrea, sa loob-loob niya, na si Francis ang lalaking pakakasalan niya. Hindi niya alam kung paano niya naramdaman, marahil ay impluwensya na rin siguro ng sobrang panonood ng Click o G-Mik, pero basta alam niya, sigurado siya, 100 percent sure. Kaya nangako siya sa sarili na aalagaan niya si Kiko sa abot ng kanyang makakaya.

Kaso, mabilis ang mga sumunod na taon. Umuwi galing Saudi ang Tatay ni Francis, at nagdesisyon ang pamilya Rellente na sa Maynila na manirahan. Isang mabilis na paalamanan, at hindi na ulit sila nagkita. Fast forward, seven years later, 2009, eto na, nagkita na sila ulit.

Comments

Popular posts from this blog

Of Buses

I awoke at the voice of the conductor. I looked through the half-tinted, fogged window of the bus, and saw that it was drizzling outside. The road was busy, deceitful and unwelcoming, as cars veered to and fro it's intersections. I stared at Rachel, sitting beside me, sleeping, her head resting on her side, with her hair brushing along the scarlet curtains. I watched as the lights from outside brightened her full cheeks. She is beautiful as ever. I noticed her pale red lips, dried by the cold temperature of the bus, move and twitch, and so I let my eyes escape her view. "Are we there yet?" she whispered, half-awake. I let out a sigh, then turned my head to her, shaking it, smiling. "What's taking us too long?" "We got stuck in traffic earlier. As always." Now its her turn to let out a sigh, an irritated one, and I saw her breath as it came out of her mouth. "Do you feel cold?" I asked. She nodded. I reached out my arm to t...

Perfect Love Story

This is my perfect love story. We meet while I am having a summer vacation in Puerto Princesa. Or maybe Boracay. Or Pagudpud. Or Baler. You are visiting your family. Or maybe you are taking a break with your friends. Or colleagues. We are in a restaurant, a cafe, and I am ordering a drink or a meal, and you are doing the same. We catch a glimpse at each other, and at that instantaneous moment, we both know. We are meant to be. The world stops spinning. But only in our heads, because everyone around us continue moving. Yet, we don't care. Time stands still, and all I see is you. I smile, and you catch yourself smiling back. You break your stare and blush. Time starts moving again. From that moment on, I couldn't stop looking your way. Yet you keep avoiding my eyes. Of course you will. You are a proud woman, you're not cheap, you're not easy to get. You stand up and excuse yourself. You say you are not feeling well and you start walking back to your cottage. I stan...

Gracenote's First Movement

Gracenote's First Movement makes a lasting movement. I am a fan of Gracenote. Their music is reminiscent of the 90's pop-rock that I grew up with, combined with punkish-rock elements. They're not too heavy, and not too pop either, they're at the middle, and that's why rockers from both spectrum can enjoy their sound. The Gracenote, from left to right Alvin Ortiz (who, sadly, already departed the band), Chen Pangan, Eunice Jorge, Jazz Jorge and EJ Pichay First Movement , I believe, is their second album. The first one, self-titled Gracenote , was released independently some time in 2009. Since then, they have come a long way and their music evolved. Three years ago you might have dared call them a Paramore knock-off, but now they are Gracenote. First Movement consists of 8 tracks, the last one being an acoustic version of their current single, Amnesia . Kicking off the album is Knock Knock , written by the band's lead vocalist herself, Eunice Jorge....