Posts

Torpe Complex

Image
My old friend, Ranz, suggested that I should just blog my torment. I told her I could try but I couldn't think of anything to write in spite of the emotional stress I'm facing. Then I heard a familiar song from Eraserheads, so here it is. Torpe Complex    Weather. Maybe I should ask about the weather. No, too cliche. No, no, no, I should think of another topic. God, why do I always find it hard to talk to her? I mean, I'm a loud-mouth. In school, when I'm with my friends, I never run out of topics to discuss. But with her...    Quite a funny weather, isn't it?    Huh?     The weather. Earlier this morning its cloudy and gloomy, but now its freaking hot.     Yeah, I noticed that too. Its the middle of October and its as sunny as a fried egg.     Oh good, good, its working. Small talk, I finally did it. We've been walking for minutes and we only shared 'uh huh' and 'oh'. Now, from that topic, maybe I should expand or....

Train (cont)

"Siya yun." "Sino?" "Yang papasok", sinenyasan ni Armand ang babaeng kaibigan para tingnan ang estudyanteng pumapasok sa front entrance ng eskwela. "Yung kinuwento ko sa 'yo", tiningnan ni Armand ang kausap, kinukunot ang kilay, kinukumbinse na alam dapat nito ang tinutukoy niya. "Ah", gets na ng kausap. "Ganda 'di ba?" Tumingin si Armand, sa kaibigan, nakataas ang dalawang kilay, hinihintay na may sasabihin itong maganda. Sinipat naman ng kausap ang dalagang tinutukoy, habang pinapakita nito ang ID sa guard na nakabantay sa pintuan. "Ok lang. Maputi." "Sus, di ka marunong tumingin," dismayado si Armand sa reaksyon ng kaibigan, muli siyang tumingin sa babaeng tinutukoy. Naglalakad na ito at papunta sa direksyon nila. "Hello Kristine!" Lumingon ang babae kay Armand, na hindi inaasahang may tatawag sa kanya. "Naalala mo pa ko?" Tiningnan siya nito sa mukha, "noon...

Ang Gitara

You'll see I'm crazy for you, touch me once and you'll know it's true, I never wanted anyone like this, its so brand new, you'll feel it in my kiss, I'm crazy for you... Magta-tatlong buwan na ring nakapatong ang gitarang iyon sa kanyang mesa, ina-alikabok na nga at kinakalawang na ang mga kwerdas, may ngatngat na rin ng daga ang liigan nito, at may bahagyang lamat sa likuran nang minsang nahulog ito sa sahig. Ang dati nitong makintab na kulay ay unti-unti na ring nangungupas, marahil nga ay hindi na ito makakalikha pa ng magagandang awitin, sa itsura pa lamang ay mukhang wala na ito sa tono. Lagot! Siguradong magagalit nito si Anthony, lalo na kapag nalaman niyang pinababayaan ni Rona ang kanyang gitara. May tatlong buwan na rin mula ng huling hawakan ni Tony ang gitarang ito. Tumugtog siya ng magandang awitin, na sinabayan naman ni Rona ng magandang tinig. Isang napakagandang rendisyon ang kanilang nilikha, ngunit ngayon ay hindi ko na naririnig pang inaawit n...

Diamonds and Daisies

Image
Hello there stranger, I wrote this to tell you that you have successfully stolen my heart. I don't why, I don't know how, but  you did. And you don't know how thankful I am for that. You were someone I never expected to meet, someone I never expected to be a part of my life. You came during my lowest point, and from that day on, you never left. I never thought I'd meet someone like you. I am already on a phase where I have learned to embrace the harsh reality of being alone and lonely. But, on a twisted trick of fate, if such exists, (though I strongly believe that it doesn't) you arrived and shed light to the dark corners of my soul. You gave me happiness. Something I never asked from you, or from anyone else in particular. You touched my heart with your words. You shared with me your secrets, your insecurities, your hopes and fears. You made me feel like I matter to someone. Something I had longed to feel again for a very long time. Now, I can no longe...

Train

Image
Minsan nakakainis sumakay ng LRT, ang haba na ng pila, siksikan pa pagdating sa loob, tapos minsan ang tagal-tagal pa dumating. Sabi nila, parang ganun din daw ang pag-ibig. Susubukin talaga ang pasensya mo, e-effort kang pumila ng pagkahaba-haba para makasakay, pipilitin mong makapasok at makikipagsiksikan sa loob kahit parang hindi na pwede, titiisin ang sikip, titiisin ang hirap, matigas ang ulo mo eh, martir ka na ipinagtatayo ng rebulto. May mga tao naman na idealistic, tipong naghihintay ng skip train,  naghihintay ng tren na maluwag, yung hindi sira ang aircon, hindi nila alam, nalampasan na pala sila ng tren na para sa kanila. Meron namang nakasakay na sa tren, pero sa gitna ng byahe, magbabago ang isip, magbabago ang puso, bababa at lilipat sa ibang tren. Masakit, lalo na para doon sa maiiwan, dahil umasa na siya na hindi na niya kailangan pang mag-abang ng ibang tren. Umasa siya na sabay silang makakarating sa last station. Two years ago, first o second week ata yun...

OJT Epilogue

Image
<<<ANG SIMULA NG KUWENTO                 <<<ANG HULING KAGANAPAN Umalingawngaw ang tawa ni Tanya sa buong hallway . Maingay, hindi magkaintindihan ang mga tao, pero hindi na nagpagtinag ang magkakaibigan sa pagkukuwentuhan. Ito na ang huling sandali na magkakasama silang tatlo bilang mga estudyante. Isang oras na lang at magsisimula na ang ceremony . Nakasuot na ng toga sila Charmaigne at Tanya, habang si Cecil ay nagre- retouch , palibhasa'y kararating lang at inuna pang makipag-dramahan kesa ang mag-ayos. "Seryoso, mami- miss ko talaga kayo... ", mangiyak-ngiyak na sabi ni Cecil. "Oo na, paulit-ulit! Ha ha ha!", bulalas ni Charmaigne. Sabay na naghagikgikan ang tatlo, "Magkikita-kita pa rin naman tayo, ano ka ba. Tama na nga yan, matatanggal na naman yang eye liner mo." "Oo nga, tama na ang drama, dapat nagse- celebrate tayo!" wika ni Tanya. "Tomoh! Sige na, isuot mo na yang toga mo para makapag- pict...

OJT Special (To Die At The Hands of Your Own Creation)

<<<ANG KWENTO... --__--: Marvin! Ako: Fuck, shit! Ginulat mo ko... --__--: ... Ako: Max? Max: You recognized me, buti naman. Ako: Tang ina, panong di kita makikilala... Teka, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakalabas? Max: Do you wanna hear what I came here for o gusto mong i-explain ko pa sa 'yo kung paano ako nakalabas? Ako: What? Teka, tae, pati ako napapa-Ingles sa 'yo. Max: I have something to tell you... Ako: Ano? Max: Fuck you! Ako: Fuck you ka rin! Tang ina, lumabas ka lang para murahin ako, gago ka pala eh... Max: Well, fits you right. Ako: Teka, ano ba atraso ko sa'yo? Max: May utang ka. Ako: Utang? Ako? Max: May utang kang ending. Ako: Ending? Max: Kailangan mong tapusin yung OJT. Ako: Ha? May ending na ah, di mo ba nabasa? Max: You don't call that thing ending , the terms  frustration or insecurity would have fit better. Ako: Anak ng tokwa naman Max, 12 years ka lang sa Tate, alam ko marunong ka mag-Tagalo...