<<<ANG NAKARAAN May 1, 2011 7:09PM "Akala ko di ka na pupunta..." "Eh, wala lang... Sino-sino kayo?" "Ayun, si Karl, si Gilbert, si Nico, tsaka si Anthony. Lika, pasok ka na..." "Ako lang babae? Na naman? Ano ba yan..." "He he!" "Gusto mo i-text ko si Cecil, papuntahin ko dito." "Gago ka ba? Gusto mong mag-World War III dito?" "Ha ha!! World War III talaga?" "Pasok ka na, kanina ka pa hinihintay ni Gilbert." "Ngek!" "Nagdadrama nga na naman yun eh." "Palagi naman eh." "Ikaw kasi, binasted mo." "Hindi ko siya binasted no. Ano ba, akala ko ba naintindihan niya. Inexplain ko naman na sa kanya yung sitwasyon." "Ano bang sitwasyon?" "Na ayoko pang mag-boyfriend. Wala naman akong masasabi kay Gilbert, mabait naman siya, yun nga lang, di ba, hindi pa ito yung right time." "Sige, sabi mo eh. Tara na,...
stories • thoughts • journeys • countless letters on paper