Skip to main content

OJT, Part 6/12


April 30, 2011
11:34 AM


"Aga mo naman... kakagising ko lang eh."

"Alas-onse na kaya."

"Oh, bakit? Ano meron at napadaan ka?"

"Helllloooo world?!? Manonood tayo ng Thor 'di ba? Remember?"

"Aw shemay, oo nga pala no..."

"Nakalimutan mo? Tsk! Ok lang, sige na, bihis ka na."

"Yun nga, bespren, napanood na namin yung Thor kagabi."

"Ha?"

"Kasama yung sila...Sir Max. Yun... Soweee..."

"Ano ba yan. Tagal na nating pinlano yan 'di ba? Nakakainis ka naman..."

"Eh kasi eh, di na ko nakatanggi.. Sorry naman..."

"Sus, porket yung boss mo lang yung nag-aya sa 'yo. Date na naman kayo."

"Hindi naman yun date eh, marami kaming nanood. Mga sampu ata kami kagabi. Parang tradition na daw yun dun sa kanila, buwan-buwan daw nanonood sila ng sine sama-sama."

"Ewan ko sa 'yo..."

"Ano ba, wag ka na magalit. Pwede naman ulit ako manood eh.."

"'Di naman yun ang point eh. Ang point dito eh, nag-promise ka. Sabi mo sabay tayo manonood*. Di ba ikaw na may sabi, kung mahalaga sa 'yo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para matupad mga pangako mo sa taong yun."

"Ano ka ba, kaya nga manonood pa rin ako ulit 'di ba. Sasamahan pa rin kita."

"Pero napanood mo na eh..."

"Eh ano naman? Maganda naman yung pelikula, wala namang masama kung panoorin kung paulit-ulit. Yung Crazy Thing nga anim na beses ko pinanood -"

"Iba naman kasi yun, DVD naman yun."

"Ganun din yun no. Sila Mama nga, apat na beses daw nila pinanood ni Papa yung Titanic eh. Sige na, magbibihis na ko. Wag ka na nga mag-inarte d'yan, sasamahan ka na nga eh."

"So sa tingin mo nag-iinarte lang ako, ganun?"

"Hindeeee... ano ba yan. Sorry, namali lang ng sabi. Kakagising ko lang eh, ok? Di pa naaalog yung utak ko. Sige na. Sige na, para di ka na magalit, sagot ko na lunch natin. Sagot ko, kahit saan mo gusto, basta sa Jollibee. He he!"

"Gagu! Gusto ko sa mahal ah.. Pizza Hut."

"Eeeee... Ok sige sige, Pizza Hut na. Madaya ka..."










12:47 PM








"Anak ng tokwa naman oh, puro puno. Kainis."

"Malamang, second day pa lang eh."

"Dapat kasi inagahan natin."

"Ayos lang yan. Alas-tres yung start, eh di matatapos ng 5 'di ba."

"Eh 'di masaya ka na naman kagabi."

"Hindi rin. Hindi nga kami magkatabi."

"Ha ha! Kawawang bata..."

"Sira. Nagulat ako, maganda yung peilikula, di ko inexpect. Tsaka ang guwapo ni Thor, ayieee."

"Actually underrated nga yang Thor eh, sa lahat ata ng Marvel superheroes, di siya masyadong pinapansin."

"Ang galing nga eh, kasi parang hindi siya superhero movie, parang Shakespearean play ang dating niya. Lalo na yung mga characters."

"Talaga?"

"Yup. At, ngapala, buti na lang ang dami mo nang nakwento sa kin tungkol sa Marvel Universe kaya naka-relate ako sa mga pinag-uupasan nila Sir kagabi. Pareho kayong geek, grabe."

"Pasalamat ka pa pala sa 'kin."

"Aba! Kaya mahal na mahal kita eh. Pano na lang kaya ako kung hindi kita naging bestfriend? Baka na-OP na ko dun kagabi."

"Ngapala, narinig mo na yung nangyari kina Karl at Cecil?"

"Hindi, ano yun?"

"Nag-break sila."

"Na naman? Parang kaka-break lang nila ah. Ano na namang dahilan?"

"Eh di yun, lumandi na naman yung kaibigan mong yun."

"Naku naman."

"Eto naman kasing si Karl, sabi na dating wag nang makipagbalikan, sige pa rin ng sige."

"Eh sa mahal na mahal niya si Cecil eh..."

"Yan namang Cecil na yan, ang landi-landi. Nakakairita, sakalin ko yan pag nakita ko eh."

"Uy, ano ka ba, wag ka ngang ganyan, kaibigan ko kayo pareho, ok? Alam mo --paabot nga nung pang slice-- may pagka-isip bata pa kasi itong si Cecil. Hindi rin naman natin siya masisisi, curious siya sa mga bagay bagay, intindihin na lang natin yung tao. Mabait naman yun eh."

"Basta. Mag-iinuman kami kila Gilbert bukas, gusto mong sumama?"

"Ano gagawin ko dun? Alam mo naman di ako umiinom. Iced tea na naman?"

"Ha ha! Ikaw lang ata ang nalalasing sa iced tea."

"Loko!"

"Ba't ganun kayo no?"

"Ano na naman?"

"Mga babae. Ang hirap n'yong intindihin."

"Ano ka ba, hindi lahat ng babae ganun no. Dapat mo kasing ma-realize na hindi pare-pareho ng ugali ang mga babae, kagaya nang hindi pare-pareho ang mga lalake."

"..."

"Pero one thing's for sure. Dynamic kaming babae. Sabi nga sa isang tula 'di ba, para kaming alon sa dagat, unpredictable."

"Pero bakit ganun si Cecil? Di ko siya maintindihan."

"Ayaw pa kasi niya mag-commit."

"Anong gusto niya? Yung parang kayo pero hindi kayo? Yung ganun?"

"Uhum."

"Topak naman oh."

"Hayaan mo kakausapin ko siya after ng OJT, hindi na rin kasi siya nagre-reply sa mga text ko."

"Pero ayos din yung ganun ano?"

"Alin?"

"Yung parang kayo pero hindi kayo. Walang commitment."

"Hindi rin."

"At least walang masasaktan di ba?"

"Pano mo naman nasabi na walang masasaktan? Alam mo, sa isang relasyon, hindi lang yan puro sarap, meron din yang hirap at sakit. Kung kilig lang ang habol mo, umihi ka na lang sana."

"Pero..."

"Parang exam yan eh. Nakita ng Prof mo na pareho kayo ng sagot ng katabi mo, anong sasabihin mo? 'Hindi naman po ako nangopya, tiningnan ko lang yung papel niya.' Di ba? Ganun yun. Niloloko niyo ang ibang tao, niloloko niyo ang isa't-isa, at niloloko niyo mga sarili niyo."

"Pero..."

"Selfishness kasi ang umiiral sa mga ganyang relasyon eh. Parang, gusto mo tanggap ka lang ng tanggap ng love, ayaw mong magbigay, kasi takot na baka mas marami kang maibigay kesa sa natanggap mo. Oh di ba, sarili mo lang ang inisip mo. Asan ang love?"

"Oo na, oo na, ang dami mong alam. Akala mo naman may experience ka na sa mga ganyan."

"Bakit ang doktor ba kelangan munang magka-Cancer bago niya maintindihan ang sakit na Cancer? Tsaka, yan ang nakukuha ko sa mga binabasa kong libro. Ikaw kasi, di ka mahilig magbasa."

"Nagbabasa rin naman ako no."

"Oo. Binabasa mo, songhits, komiks, manga. Ha ha! Yung Tuesdays nga na pinahiram ko sa'yo di mo pa rin tapos hanggang ngayon."

"Nakakatamad eh. Tsaka walang picture. He he!"

"Ano ka, bata? Ha ha! Nakuwento ko na ba sa 'yo yung sa Lolo ko?"

"Alin?"

"Yung kung papano sila nagkatuluyan ni Lola?"

"Hindi pa."

"Ganito kasi yan, nung dati daw, sa probinsya nila, uso yung mga sayawan sa baryo. Dun daw unang nakita ni Lolo si Lola, tapos tinamaan daw siya agad, kasi ang ganda-ganda daw ni Lola nun. Eh di nilapitan niya, tapos sinabihan niya agad na 'Wag kang magpapaligaw sa ibang lalake, kasi ikaw ang babaeng pakakasalan ko.' Akala naman daw ni Lola, nagbibiro lang. Tapos, kinabukasan, pumunta agad sa bahay nila Lola si Lolo, nagsisibak ng kahoy, nag-iigib ng tubig sa ilog, yung mga makaluma, alam mo yun? Tapos, hinaharana pa daw siya. Eh si Lola naman, ayaw naman daw kay Lolo, kasi hindi rin naman ganun ka-guwapuhan si Lolo, tsaka marami ring nanliligaw kay Lola nun, yung iba taga-Maynila pa. Pero, ang tiyaga-tiyaga daw ni Lolo. Tatlong taon niyang niligawan si Lola, imagine, 3 years? Tapos, yun, napasagot din niya si Lola. After one year, nagpakasal na sila. Ayun, hanggang ngayon, ang tibay pa rin nila. Di ba? Yan ang commitment! Yung ibang mag-jowa ngayon, lima o sampung taon nang magka-relasyon, pero hindi pa rin nagkakatuluyan."

"Asa ka namang may ganun pang lalake ngayon 'no!"

"Yun na nga eh! Asan na yung mga ganun ngayon? Yung iba d'yan ngayon, pa-text text na lang, masabi lang na mahal nila yung isang tao. Pero kulang sa actions."

"Pano kung may magsabi sa 'yo nun?"

"Na?"

"Na, pakakasalan ka niya."

"Eh di GO! Hindi ko siya pipigilan. Pero siyempre, pa-ibigin niya muna ako di ba. At pag ako napa-ibig niya ko, sa kanya ako habang buhay!"

"Cha-Cha, pakakasalan kita."

"Ha ha ha! Gagu. Masyado pa tayong bata para magpakasal. Tsaka, ang dami ko pang pangarap sa buhay no. Mga, pagdating ko ng 28 or 27, yan, pwede na ko magpakasal niyan. Pero siyempre, masarap yung feeling na may taong handang makasama ka for the next 1,000 years, di ba?"

"So, pagdating mo ng 28, pakakasal na tayo?"

"Ulul! Bakit ako pakakasal sa'yo? Bakett, boyfriend ba kita?"

"Sige, ganito na lang, pagpatak mo ng 28, at wala ka pang boyfriend, pakakasalan kita."

"An-no!?"

"Siyempre, naaawa naman ako sa yo diba? Bilang besfren mo, ayoko namang makita kang tumandang dalaga di ba? Siyempre, sinong mag-aalaga sa yo? Wag kang mag-alala, wala namang malisya sa side ko yun eh, he he!"

"Ay ang kapal ng mukha, abot hanggang dito oh. Kita mo yan.. mukha mo yan oh, kita mo sasampalin ko, sasampalin ko. Ha ha!! Di ko pinangarap tumandang dalaga no! Lalo na ngayon, nakilala ko na ang Prince William ko. Buwa ha ha!!"

"Asa. Ha ha! Oo nga no, kahapon nga pala yung kasal nila."

"Pinanood mo?"

"Hindi. Anong pake ko sa kasal nila. Hindi naman ako yayaman."

"Ha ha! Bitter. Hindi ko rin napanood, tingnan ko sa Youtube mamaya."

"Uy, teka, pang-limang slice mo na yan ah! Akala ko ba hating-kapatid?"

"Sorry, hating mag-bestfriend. Ha ha!"



6:43 PM

"Ginagabi ka ata ah."

"O.A. mo Ma, ha, aga pa kaya. Pa-kiss."

"Uhm."

"Yabyoo..."

"Hala, sige, computer agad, kakauwi lang, hindi muna magbihis."

"Ha ha! Gusto ko mapanood yung Royal Wedding, napanood mo?"

"Oo, maganda. Ang ganda ng damit ni Kate. Parang fairy tale. Ngapala, nag-text si Dindin, yung pinsan mo, add mo daw siya sa Facebook."

"Ok, sige. Search ko, ano ba gamit niyang name?
..."





"Ayieeee...."

Comments

Popular posts from this blog

Of Buses

I awoke at the voice of the conductor. I looked through the half-tinted, fogged window of the bus, and saw that it was drizzling outside. The road was busy, deceitful and unwelcoming, as cars veered to and fro it's intersections. I stared at Rachel, sitting beside me, sleeping, her head resting on her side, with her hair brushing along the scarlet curtains. I watched as the lights from outside brightened her full cheeks. She is beautiful as ever. I noticed her pale red lips, dried by the cold temperature of the bus, move and twitch, and so I let my eyes escape her view. "Are we there yet?" she whispered, half-awake. I let out a sigh, then turned my head to her, shaking it, smiling. "What's taking us too long?" "We got stuck in traffic earlier. As always." Now its her turn to let out a sigh, an irritated one, and I saw her breath as it came out of her mouth. "Do you feel cold?" I asked. She nodded. I reached out my arm to t...

Perfect Love Story

This is my perfect love story. We meet while I am having a summer vacation in Puerto Princesa. Or maybe Boracay. Or Pagudpud. Or Baler. You are visiting your family. Or maybe you are taking a break with your friends. Or colleagues. We are in a restaurant, a cafe, and I am ordering a drink or a meal, and you are doing the same. We catch a glimpse at each other, and at that instantaneous moment, we both know. We are meant to be. The world stops spinning. But only in our heads, because everyone around us continue moving. Yet, we don't care. Time stands still, and all I see is you. I smile, and you catch yourself smiling back. You break your stare and blush. Time starts moving again. From that moment on, I couldn't stop looking your way. Yet you keep avoiding my eyes. Of course you will. You are a proud woman, you're not cheap, you're not easy to get. You stand up and excuse yourself. You say you are not feeling well and you start walking back to your cottage. I stan...

Gracenote's First Movement

Gracenote's First Movement makes a lasting movement. I am a fan of Gracenote. Their music is reminiscent of the 90's pop-rock that I grew up with, combined with punkish-rock elements. They're not too heavy, and not too pop either, they're at the middle, and that's why rockers from both spectrum can enjoy their sound. The Gracenote, from left to right Alvin Ortiz (who, sadly, already departed the band), Chen Pangan, Eunice Jorge, Jazz Jorge and EJ Pichay First Movement , I believe, is their second album. The first one, self-titled Gracenote , was released independently some time in 2009. Since then, they have come a long way and their music evolved. Three years ago you might have dared call them a Paramore knock-off, but now they are Gracenote. First Movement consists of 8 tracks, the last one being an acoustic version of their current single, Amnesia . Kicking off the album is Knock Knock , written by the band's lead vocalist herself, Eunice Jorge....