
April 21, 2011
1:36 PM
"Cha-Cha, andito si Jojo."
"Sige Ma, paakyatin n'yo."
"Uy, bespren."
"Wow! Yan na ba yun? Yan na yung binili sa 'yo ng Lola mo?"
"Yup!"
"Ang gara! Magkano bili n'ya?"
"4k ata."
"Dapat electric na lang pinabili mo."
"Asa! Mahal masyado. Ako na lang bibili nun para sa sarili ko. Unless maisipan mo kong regaluhan, di ba?"
"Mas malaking ASA! Ha ha! Yung sa kin wala na naman sa tono."
"Akin na. Itono ko."
"Teka, kunin ko sa kabila."
"Sige, sige. Pa-Facebook ah."
"Sure. Huwag mo kong i-log out ah. Bukas ka na lang ng ibang browser. May Firefox yan."
1:43 PM
"Kamusta naman sa ofis nyo?"
"Masayaaaa. Ayun, yung ikukuwento ko sa 'yo! Nag-date kami ni Sir Max kahapon! Eeeeee."
"Duh! Na-post mo na kaya sa Facebook yan. Mabenta nga status mo eh, nakakatamad ng basahin sa dami ng nag-comment."
"Magde-date ulit kami sa Monday."
"Weh? Sinabi nya yon?"
"Hindi. Pero yun na rin yun no. Sabi niya 'See you Monday', oh di ba?"
"See you on Monday kasi may pasok kayo sa Monday. Yun yun, echoserang frog."
"Ha ha! Kaloka ka, natututo ka na sa mga linya ko ah. Pero.. aaah!! Ang guwapo niya talaga! Siguro naman bagay din kami kasi maganda naman ako daba? Aminin mo, aminin mo, maganda ako diba?"
"Oo na, oo na. Ang ganda mo. Sobrang ganda mo, nakakainis, nakakagigil ka.."
"Ano?"
"Wala. Alam mo, besfren, langit siya, lupa ka lang. Kaya -aray! aray!
"Anong sabi mo? Anong sabi mo?!"
"Ang sakit nun ah, kaya kahit anong gawin mo, hanggang tingin ka lang talaga."
"Hay naku, ewan ko sa 'yo, panira ka ng moment."
"Alam mo, kakantahan na lang kita. Bagay sa 'yo tong kantang 'to."
"Anong kanta yan?"
"Hanggang tingin, Kamikazee."
"Ay! Alam ko yan. Sabay tayo."
~Handa nang sasabihin, noon pa man gustong aminin
Pero bago pa man patapusin, biglaan mo akong binitin
Ang sabi mo sa kin, nagkakamali ka
Huwag ka nang umasa, kaibigan lamang kita~
"Kuha mo na yung lead? Galeng!"
"sus, chicken feed..." ~nagkakamali ka
Huwag ka nang umasa, kaibigan lamang kita
Pahamak yan si kupido, di naman asintado
Tinamaan nga ako, pero haging lamang sa 'yo
Hanggang tingin na lang, lagi na lang ganyan
Nasasanay na ang puso ko, lagi na lang nabibigo~
~Kapalaran ko na yata, na tatanda akong binata
Di ko malilimutan mga binitawan mong salita~
~Ang sabi mo sa akin, nagkakamali ka
Wag ka nang umasa, kaibigan lamang kita
Ang sabi mo sa akin, nagkakamali ka
Wag ka nang umasa, kaibigan lamang kita~
~Pahamak yan si kupido, di naman asintado
Tinamaan nga ako, pero haging lamang sa 'yo
Hanggang tingin na lang, lagi na lang ganyan
Nasasanay na ang puso ko, lagi na lang nabibigo~
"Kaya mo na rin yung adlib?"
"Opkors!"
"Galeng!!! Ikaw na! The best ka!"
~Pahamak yan si kupido, di naman asintado
Tinamaan nga ako, pero haging lamang sa 'yo~
"Aray, syet!"
"Bakit?"
"Yung kuko ko. Ayun, tumalsik dun. Aww... teka, dumudugo..."
"Di ka kasi naggugupit ng kuko? Shongalogs! Patingin nga."
"Ayan oh, natanggal..."
"Ok lang yan, tutubo din yan ulit. Teka."
"Uy, ano ba, sipsipin daw ba? Vampire ka? Twilight ba itu?"
"Balutan mo na lang para di dumugo."
"Aww, di na ko makapag-gitara..."
April 22, 2011
11:05 AM
"Hello?"
"Besfren..."
"Ano?"
"Ano yun? Ba't ang ingay d'yan?"
"Pasyon."
"Nagra-rap?"
"Oo, pakulo nung pinsan kong hip-hop. O, ano na?"
"Miss ko na si Sir Max."
"Tae ka. Kung yun lang ang sasabihin mo, i-post mo na lang sa Facebook."
"Pi-nost ko na. Eh di mo naman nila-like eh."
"Di ako online, bawal daw, Biyernes-Santo."
"May ganon?"
"Siyempre joke lang. Teka, eto na, mag-online na ko."
"Ok."
"Hoy, teka, seryoso ka ba?"
"Ano?"
"Yung mga pinagpopopost mo dito. Umayos ka nga, kakakilala mo lang sa tao..."
"Ha ha ha!! Anno?"
"Etong status mo?"
"Heeelloooo wooooorrrrlllllldddd!! Siyempre joke lang yan, adik ka ba? Parang di mo ko knows. Umayos ka d'yan ah..."
"Ewan ko sa 'yo..."
"Aysus, nagseselos ka lang eh, kasi hindi na lang ikaw yung sinasabihan ko ng 'I lo-'"
"Leche! Sige na, sige na, mamaya na lang. Ba-bye."
April 24, 2011
9:56 PM
"Besfren!"
"Yes?"
"In-add niya ako sa Facebook."
"Huh? Akala ko ba hinanap mo nung isang araw, sabi mo di mo nakita."
"Oo, pero iba pala kasi pangalan na gamit n'ya eh."
"Siya ba talaga yan?"
"Siguro...picture niya eh."
"O, yun naman pala eh."
"I-accept ko ba?"
"Ha? Heeeelloooooo worrrld!! Account mo yan, bahala ka."
"Sige, i-accept ko na ha."
April 25, 2011
8:53 AM
"Sir Max?"
"Yes?"
"Kayo po ba si Emil Perez?"
"Yup. That's me. That's how my friends call me."
"Ah, kayo po pala yung nag-add sa kin kagabi."
"Yah. Thanks for accepting. I'm stalking you ri-I mean, I'm looking at your profile right now. You know, you're a very funny girl, had me laughing this whole morning."
"Thank you po. Sige po..."
"Ok."
"Patay. Tinitingnan niya yung profile ko. Hala! Mababasa niya... Shet!"
Comments
Post a Comment