
April 19, 2011
8:32 AM
"Hello, bespren."
"Oh, hello, ba't ngayon ka lang nag-load?"
"Sensya naman, medyo busy eh."
"Akala ko ba may ikukuwento ka?"
"Oo nga, eto na nga, kaya nga tinawagan na kita eh, nag-unli na ko para makwento ko sa 'yo"
"Sus, tungkol na naman sa boss mo yan eh. Asan ka na ba?"
"Nasa MRT pa lang ako, anyway, grabe, nakakakilig kahapon, personal pa kong kinausap nung boss ko para ituro yung framework na gagamitin ko. Grabe talaga kilig ko kahapon, muntik na ko maihi"
"Dapat pala may suot kang diaper. He he, oh tapos, anong nangyari?"
"Eh di yun. Tapos nag-program na ko."
"Yun lang? Kinilig ka na dun?"
"Magkatabi kaya kami ng upuan!"
"Malamang!"
"Heto pa, nung tanghali, magkasabay pa kaming kumain!"
"Niyaya ka niyang kumain sa labas? Weh?"
"Hindi. Kasi sa ofis namin, merong pantry."
"Ano?"
"Pantry, kainan siya na parang kusina, na may mga mesa, upuan..."
"Oo, alam ko kung ano yung pantry, meron din kami nun, di mo na kailangang i-describe. Oh anong nangyari?"
"Eh binaunan ako ni Mama kahapon, kaya dun ako kumain sa pantry, tapos maya-maya, umupo na siya sa tabi, tapos yun, kumain din siya sa tabi ko. Eeeeee...."
"Ang landi mo talaga bespren. Nag-usap naman kayo?"
"Hindi eh, siyempre kumakain siya, ayoko namang istorbohin... tsaka, alam mo na, medyo suplado eh..."
"Ha ha!! Kita mo na.. malamang umupo lang yun sa tabi mo kasi wala na siyang ibang maupuan"
"Medyo marami ngang tao sa pantry nung time na yun."
"Ha ha!! Sabi ko sa 'yo eh, nilalagyan mo ng kulay yung mga coincidences..."
"Grabe, nakakainis ka, hindi ka supportive! Ngapala, yung script na hinihingi ko sa yo kahapon?"
"Ayun, ine-mail ko na sa yo. Inayos ko na yun ah, wala na yung bug nun dati. Ang gawin mo lang, ikabit mo lang yun sa page, tapos palitan mo lang yung mga variables pati yung mga data fields na katumbas niya sa database. Kinommentan ko naman yun, kaya mate-trace mo naman kung ano yung kailangang palitan."
"Ok, ok, salamat besfren..."
"Aysus, may utang ka sa kin ah... kala mo libre yun..."
"Oo na, sige na, samahan na kita manood ng... ano nga ba yung gusto mong panoorin?"
"Thor."
"Oo, Thor, sige... food lang sagot ko ah, ikaw sa ticket"
"Hala, ano kaya yun, dapat nga ako ililibre mo eh, mas malaki kaya allowance d'yan sa pinago-OJT-han mo.
"Eee... alam mo namang kailangan ko yung pera..."
"Oo na, oo na, sige na... Ang daya talaga. Basta sa Harry Potter, yung 3D ang papanoorin natin ah, mag-ipon ka na."
"Siyempre naman! Ay, Ortigas na pala, sige, sige, ba-bye."
"Sige ba-bye, ingat. Gusto mo sabay na tayo umuwi?"
"Huwag na, 5 ang out mo di 'ba, 7 pa ako, matagal ka pang maghihintay. Next time na lang. Sige, ingat din."
2:47 PM
"Excuse me, Ms. Aquino, right? Can I talk to you for a second?"
"Sir?"
"Nakita ko yung mga changes mo dun sa ibang PHP files, what do you think you're doing?"
"Po?"
"Malinaw ang specifications dun sa design, at approved na yun ng client, you should not be meddling with that. Your job is to implement the design. Yun LANG ang trabaho mo!"
"Sir, naisip ko lang naman po kasi na, design flaw po yun..."
"Well it's not your problem! God, this is why I hate interns.. Now we have a meeting with the client, hindi ko tuloy alam kung pano ko..."
"Sir, pwede ko naman pong i-revert sa SVN yung mga binago ko."
"Then do it."
"Opo."
"On second thought, wag na. The clients are on their way, baka masira mo pa lalo. Just be sure to fix it first thing in the morning tomorrow! I'll just make up an excuse..."
"Opo sir, sorry po..."
KA-BLAG!
*Holds back tears
"Uy, Mam, pag-pasinsyahan mu na lang yun si Ser Max, midyu maenet lang ang olo non ngayun."
"Gusto ko lang naman makatulong... Aling..."
"Idna. Tawagen mu na lang akung Aleng Idna. Alam mu, yang si Ser Max, mabaet yan da-te. Uu, galanti pa. Kaya lang mula nung naghewalay sela nong mapapangasawa nya, ayon, nageng bugnoten na."
"Talaga po?"
"Ay nako, uu. Anlakeng eskandalo nun ba. Araw na ng kasal nela, tapus hinde somipot yong babae ba. Nakko, grabi, nagkagolo sa sembahan non!"
"Grabe! Parang sa pelikula lang..."
"Ay uu, senabe mu pa. Ito ah, baka sabehen mu tsesmosa aku, eh janetress lang naman aku dito, piru ang sabe sabe baga eh, mahal pa neyang si Ser Max si Mam Lalin, tapos nalaman ata ni Ser Max na eh etong si Mam Lalin ay may bago na atang boypren, kaya ganyan sya ngayun. Mam, wag ka maengay na kenwentu ku sa yu ah, baka sabehen eh nagkakalat aku ng tsismis."
"Sige po."
"Tahan na, wag ka na umeyak, maabotan ka pa non. Ano nga bang pangalan mo ulit?"
"Charmaigne po."
"Oh yon, Sharmin, wag ka na umeyak, ang ganda mo pa naman u"
"Cha-cha na lang po itawag nyo sa kin"
"Tsatsa? Parang yong sayaw? Sege, sege, maona na aku ah"
"Sige po, salamat po"
7:34 PM
"Hello, besfren"
"Oh, besfren -asan ka na? -pauwi ka na ba?"
"Besfren, may ikukuwento ako sa yo. Yung boss ko, sinigawan ako kanina. Hu hu... ayoko na sa kanya, di ko na siya crush..."
"Ha? -teka teka, mamaya, tawagan na lang kita ulit. Nagdo-DOTA kami eh. Ingat. Maya, promise."
April 20, 2011
8:45 AM
"At last, thank God your early!"
"Sir? Ah, sige po, simulan ko na po yung pag-revert sa SVN"
"No, no, no, wag na. Ah.. the client liked what you did. So.. yun, gusto ko sanang mag-apologize sa nangyari kahapon. I was just having a really bad day. Kaya, sorry kung nasigawan kita, I hope you don't have a grudge on me or anything..."
"Ok lang po, naintindihan ko naman po..."
"Sure? Sige, ganito na lang, I'll make it up to you. Anything you like."
"Po?"
"Alam ko na! Lunch out. Later. Saan mo gustong kumain, treat ko."
"Lunch? Tayong dalawa lang po? Kahit ano naman po kinakain ko..."
"Ha ha!! Delikado yang kumakain ng kahit ano. Sige, lunch out ha, see you later."
aw bitin naman!
ReplyDeletemay part 2 na aiks!!
ReplyDelete