<<<ANG NAKARAAN


May 4, 2011
12:26 PM
"You've been looking down these past few days."
"Sir? Ah, hindi naman.. Medyo may kinaiinisan lang."
"Mind to share?"
"Ahhm.. wala lang.. parang, nakakainis kapag kung sino pa yung kaibigan mo nang matagal, siya pa yung hindi nakakaintindi sa 'yo... Yun, parang nakakalungkot lang. Tapos ako pa yung lumalabas na isip-bata. Yun..."
"Well, we can't expect everyone to understand us."
"Pero, di ba kaya nga and'yan yung mga kaibigan 'di ba... Naghahanap tayo ng taong nakakaintindi sa 'tin, sa nararamdaman natin, sa ugali natin..."
"Empathy."
"Tama. Hay naku! Nakakainis... childish ba 'ko?"
"No you're not. You're more of, child-like."
"Di ba pareho lang yun?"
"No. Magkaiba yun. Being childish is being... y'know, self-centered, immature, while child-like people are... like you. You see hope when other people see despair. You see kindness when other see deceit. You see opportunity to learn what others see as mistakes. That's understandable. You're young, you have much to experience. Alam mo, ang problema sa aming mga matatanda eh, we've been through a lot of things -rejections, disappointments, failures - and then, everything changed. The way people look at life changes as they grow old. They become cold and bitter and non-trusting. At one point, there's nothing wrong with that, di ba? It makes people, quote and quote, more mature. But, if you really look at it very closely, what happens? What really happens is that, people lose faith in life. That's not strength at all. That's weakness."
"Sabi nila isip-bata daw ako kasi optimistic daw ako masyado."
"Optimism doesn't count for childishness. It's a beautiful trait, by the way. So, you stay as you are. Whatever happens, don't let negative forces change the way you look at life. Wag mo na kaming gayahin, he he! Always look at the world through the eyes of a child, and you'll see that you're more mature than the most of us."
"Tapos yun nga daw, kahit obvious na wala na, parang, tuloy pa rin daw ako sa pag-asa, parang ganun..."
"Well, your Bob Ong, -yes I'm reading it like you told me to- once wrote somewhere nakalimutan ko which book, 'Makukuha ng ibang tao lahat ng bagay mula sa atin, maliban sa isa: pag-asa.' That's your favorite author speaking to you right there."
"Hindi ko yata maalala yan..."
"Ha ha. Alam mo, sometimes, a little spark of hope, is what people need during a long, dark night. Even if its just a tiny little spark, it matters."
"Thank you Sir. Oh, kayo naman po, bakit ang saya-saya n'yo yata ngayon?"
"Why not?"
"Nagkabalikan na daw kayo ni Ma'am Lalaine?"
"No, that's bullshit."
"Eh anong nagpapasaya sa inyo?"
"Ano nga ba? You make me happy, all of you guys. I have a great team around me, lahat masisipag, our project is running smoothly, there's no reason for me to be unhappy. Right?"
"Right."
May 8, 2011
2:34 PM
"Uy, Jojo! Cake! Akin ba yan?"
"Hindi ah. Sa Mama mo 'to.
Happy mother's day po Tita."
"Ay, salamat Jojo. Buti ka pa nakaalala, si Cha-Cha..."
"Binati na kaya kita kanina. Pagkagising ko.
Hmph! By the way, hindi pa nga pala tayo bati, k, bye."
2:34 PM
"Bespren..."
"Ano?"
"Sorry na..."
"Hmph!"
"Please... eto oh, ini-slice na kita ng cake. Bati na tayo..."
"Ok. Sige."
"Wehhh..."
"Oo nga. Wala na yun. Ok?"
"Yan ang gusto ko sa 'yo eh, ang dali mong bumigay. Ha ha ha!"
"Leche! Mapagpatawad lang talaga ako."
"He he! Oh, kumusta ka naman?"
"Ok lang. Masaya."
"Balita ko, magka-chat daw kayo gabi-gabi ah..."
"Hindi no. Minsan lang."
"Uyyy... ayaw mag-share..."
"Ewan ko sa 'yo. Sabi mo sawa ka na."
"Hindi ah. Sabi ko lang yun. Sino pa bang makikinig sa kadaldalan mo kundi ako. Pero, ayos ka rin ah. Magkasama na nga kayo maghapon, magka-chat pa kayo sa gabi."
"Ngeh! Sisimulan mo na naman ba ako?"
"Hindi ah. Ganito, una, dun muna tayo sa gusto mo... ah, kung masaya ka d'yan, sige lang suportahan kita. Alam ko naman, minsan ka lang kiligin. Masaya na ko na makita kang nag-eenjoy d'yan sa crush mo. Pero, sa kabilang banda, hinay-hinay lang. Ingatan ang puso. Huwag masyadong dibdibin ang mga bagay-bagay, masakit ma-disappoint."
"Ahhhww...bestfriend talaga kita. Love you..."
"Opkors! Sino pa bang magdadamayan kundi tayo-tayo."
"Thanks."
"Sus, wala yun. Ano na lang ang gagawin mo kung wala ako."
"Baka nag-shift na ko ng course. Ha ha!!"
"Ay, nga pala, asan yung gitara mo? May ipaparinig ako sa 'yo."
"Yun oh, sa taas ng aparador."
"Magaling na yung kuko mo?"
"Tumutubo na ulit. Bili mo ko ng pick, he he."
"Sige. Sasali kami nila Gilbert sa SoundSkool."
"Na naman? Taon-taon na lang nagbabalak kayong sumali, hindi naman natutuloy."
"Ngayon, sure na to, may kanta na kami eh, chorus pa lang, pero pinaghirapan namin to. Parinig ko sa 'yo."
"Sige, parinig."
~But you don't know it Charmaigne~
~You're driving me insane~
~Each time we talk, each time you laugh~
~Every minute I hide is tough~
~And you don't know it Charmaigne~
~I'll never be the same~
~And it hurts me that you don't notice~
~That's why I'm telling you this~
"Ano sa tingin mo?"
"Ok lang. Kaso, parang ang bagal, tsaka hindi siya rock, parang ballad. Tsaka bakit may pangalan ko? Si Gilbert nagsulat n'yan ano?"
"Ha ha!! Pangalan mo lang kasi yung alam naming nagra-rhyme sa 'insane'."
"Sus, hindi rin. Maraming pangalan d'yan, pwede namang 'Germaine'."
"Jermaine? Eh pang-lalakeng pangalan yun, si Jermaine O'Neal ng Celtics."
"Hindi ah, may babae ding ganun. Tsaka di na uso yung may pangalan sa mga kanta ngayon no. Corny nyo. He he! Alam mo, ako na lang gagawa ng kanta n'yo."
"Ano namang alam mo sa paggawa ng kanta?"
"Hello world, writer kaya ako. At nakalimutan mo na kung sino gumawa nung jingle natin sa Psychology?"
"Ok, sige, ikaw na! Ikaw na ang magaling!"
"Eto, sige, may naiisip ako. Ballpen, papel, chord progression!"
"Eto, pakinggan mo."
"Yan, ayos yan.. hmmm..."
4:56PM
"Game, isa pa ulit."
"Intro, then... pasok."
~Kwentuhan lang, sa Facebook o sa Twitter~
~Sabi ko ok lang kahit we're not together~
~Inaabangan, pictures mo sa YFrog~
~Pati mga drawing mo sa DeviantArt hinanap~
~Ni-like na mga DP mo~
~Mga status na kinommentan ko~
~Mapansin lang kahit minsan~
~Ang araw ko'y kumpleto~
"Tak tak tak"
~Pangarap lang kasi kita~
~Di na ko umaasa~
~Sa buhay mo hindi mo na ako kailangan~
~Nagpupuyat lang magdamag
~Kakabasa ng yong blog
~Naghihintay na kahit sandali, mag-online ka naman~
"2nd verse! 3rd pala."
~Chat lang maghapon, sa YM o sa Skype~
~Sabi ko ako ang number 1 fan mo for life~
~Pati mga videos mo sa Youtube in-upload~
~Paulit-ulit ko nang napanood~
"Refrain!"
~Ni-like na mga DP mo~
~Mga status na kinommentan ko~
~Mapansin lang kahit minsan~
~Ang araw ko'y kumpleto~
~Pangarap lang kasi kita~
~Di na ko umaasa~
~Sa buhay mo hindi mo na ako kailangan~
~Nagpupuyat lang magdamag
~Kakabasa ng yong blog
~Naghihintay na kahit sandali, mag-online ka naman~
"Tapos pasukan ko ng riff dito. Astig."
"Tama! Bridge na lang kulang oh, kumpleto na."
"Ha ha, imba ka talaga. Palibhasa may pinaghuhugutan."
"Utot! Ha ha ha! Ano, ok di ba? Sabi ko sa'yo eh..."
"Ok, in fairness, maganda. Kaso parang masyadong Yengy"
"Anong Yengy?"
"Parang Yeng Constantino ang dating."
"Ganon? Ang galing ko pala. Ha ha!"
"Hindi to kakantahin ni Gilbert."
"Bakit naman?"
"Eh may pagka-pop eh. Alam mo namang hardcore yun eh."
"Yun nga yung dapat eh, dapat pop, catchy, para mapansin agad kayo. Ay, bahala nga kayo, pag di niya kinanta yan, di ko na siya papansinin."
"Sige, sabihin ko yan. Pero, maganda naman eh. Ikaw na talaga, the best ka! Lahat na sayo na! Buti na lang hindi ka matangkad at maputi."
"At bakit?"
"Kasi kung ganun, dyosa ka na! Ha ha ha!! Unfair naman sa iba, di ba?"
May 9, 2011
8:05 PM
"Charmaigne. Di ka pa uuwi?"
"Hi Ate Lyka, di pa po eh, mag-Facebook lang ako sandali. Walang internet sa bahay eh, down daw ata..."
"Oo nga eh, kami din, nakakainis. Dahil daw ata kay Bebeng, ewan ko. Kahit text ang hirap maka-receive. Puro delayed mga messages, inaaway na nga ako ng jowa ko."
"Ha ha! Oo nga eh."
"Eh kumusta ka naman, na-miss mo si Sir Max?"
"Po? Ha?"
"Ha ha ha! Hay naku, halatang-halata kaya ang closeness n'yo. Ahummm..."
"Hindi ah..."
"Sus, ikaw naman, di ka na mabiro. Di ko lang alam bakit siya absent ngayon, sabi sick-leave daw. Yun, sige, una na ko."
"Sige po, ingat po."
8:25 PM
"Sir Max? And'yan pala kayo?"
"No, no, I just -hik- came in..."
"Lasing ba kayo Sir? Amoy alak kayo eh..."
"No, no.. I'm not -hik- I just drunk a little..."
"Dapat umuwi na lang kayo..."
"To where? This office is my home -hik- I go at my house, there's nobody there, but a cat."
"Sir, upo muna kayo..."
"I don't know -hik- I don't know Charmaigne, I can't cry anymore -hik-, whatever I do, I can't.. I just can't cry anymore..."
"Ano bang nangyari?"
"Lalaine and I -hik- we saw each other earlier, then, she asked me to -hik- iatras yung kaso. Just like that. Just like that. I mean, kung hindi pa pala dahil sa kaso hindi pa magpapakita ang putang inang walang hiya."
"Sir..."
"I don't know, I.... -hik- I wanted to hug her, I wanted to say I love her, I wanted to say, please come back, but I couldn't. I didn't. Fuck! I'm too proud to admit that I need her in my life. I don't know what to do..."
"Sir... Sir, mabuti pa Sir, umuwi na po kayo, tatawag po ako ng taxi."
"I'd rather die right now. As in now."
"Nasasabi n'yo lang yan kasi lasing kayo. Tara na, tatawagin ko si Manong guard. Naku, lagot kayo n'yan pag nalaman na pumunta kayo ng office ng lasing. Sir-"
"..."
"..."
"Thank you... "
"Sir... Sir ambigat n'yo... ah... teka, di kita kayang alalayan Sir, kaya nyo bang maglakad?"
"I'd rather die..."
"Sir!"
Comments
Post a Comment