Skip to main content

OJT, Part 10/12

<<<ANG NAKARAAN

May 14, 2011
9:24 AM

"Bespren."

"Uhm. Ano?"

"Bangon na."

"Ayoko pa, ang sakit ng katawan ko."

"Ano yang nasa kama mo? Parang may nagpatayan d'yan."

"Ha? Hala, shit! Ano ba yan! Pahirapan na naman sa paglalaba neto. Teka, bakit andito ka na naman sa loob? Sabi ko sa'yo kumatok ka lagi di ba? Pasok ka ng pasok."

"Sorry, nakabukas yung pinto eh."

"Ano ba yan, nakakahiya ako."

"Sus, wag ka na mahiya sa 'kin."

"Sige na, umuwi ka na."

"Kararating ko lang  kaya."

"Sige na, wala ako sa mood makipag-kwentuhan sa 'yo ngayon. Ang sakit ng puson ko, may singaw na naman ako, may sipon pa ko, ang sakit sakit ng ulo ko, at ang init-init, sobra! Ok? Sorry. Sige na. Uwi ka na."

"Gusto mo palit na tayo ng puson?"

"Ano?"

"Para di na masakit kapag meron ka."

"Bading ka ba? Gusto mo maging babae? Ang hirap-hirap kaya."

"Eh 'di wag, nagsa-suggest lang naman."

"Sige na, uwi ka na, please? Sorry."

"Pagpahingahin mo naman muna ako sandali. Pwede?"

"Ok fine."

"Uy, naalala mo si Trixie?"

"Trixie? Yung taga-B?"

"Oo."

"Yung ex mo? Ha ha ha!!"

"Hindi nga daw naging kami, ok? Assuming lang daw ako masyado. Pero, ayun, nakasabay ko siya sa elevator nung Huwebes."

"Oh talaga?!"

"Ayos ah, basta tsismis bangon agad. Ha ha ha!"

"Siyempre. Oh anong nangyari?"

"Wala. Dedma lang."

"Dedma lang? Grabe ka naman, bitter ka pa rin hanggang ngayon?"

"Hindi ako bitter, ok. Ang tagal-tagal na nun, 1st year pa tayo, pwede ba. Naka-move on na ko. 
Tsaka, wala naman kaming dapat pag-usapan, bakit ko siya kakausapin?"

"Kahit na, skulmeyt natin siya, dapat nag-hi ka man lang. Bakit nga pala siya andun?"

"Malay. Baka dun din yung pinago-OJThan nya."

"Uy, small world... destiny... ayiee, he he he!"

"Utot! Destiny mo mukha mo. Wala na kong gusto sa kanya, kinalimutan ko na siya, 
wala akong panahon para sa mga playgirl at user na kagaya niya."


"Eh ba't ang bitter mo pa rin?"

"Hindi nga ako bitter, pwede?"

"Denial! Ok lang yan bespren, sabi nga ni Papa Jack, minsan kailangan mong maging bitter para maka-move on."

"Naka-move on na nga ako, ok?"

"Ha ha! Eh bakit wala ka pa ring nililigawan hanggang ngayon? Dahil ba hindi mo pa rin siya napapalitan sa puso mo? Ayieee..."

"Naman eh, di mo talaga ako tatantanan? Wala akong balak manligaw ng kahit na sino. Kuntento na kong ganito, and'yan si Lola, si Tatay, aalagaan ko na lang sila sa pagtanda nila, at pag-aaralin ko na lang mga kapatid ko."

"Ano, balak mong tumandang binata?"

"Bakit hindi?"

"Aysus, ang drama ha... Nabigo ka lang ng isang beses, ayaw mo na agad. Hindi ganun ang buhay tsong."

"Sino ba may sabing isang beses pa lang akong nabigo?"

"Isa, dalawa, lima, sampu, kahit bente na beses ka pang mabigo, wag ka dapat mawawalan ng pag-asa. And'yan lang sa tabi-tabi yung right girl para sa 'yo. Maghintay ka lang."

"Ayoko na rin. Isipin mo, bakit ka magri-risk na pumasok sa isang relasyon, kagaya ng boyfriend-girlfriend, na alam mo na pwede kayong maghiwalay, kung pwede ka namang mag-settle sa isang relasyon, tulad ng friendship, na sigurado kang tatagal habangbuhay, 'di ba?"

"Kahit na. Darating yung panahon na mawawala kaming mga kaibigan mo, yung mga kabanda mo, magkakaroon ng kanya-kanyang career, kahit family mo, hindi mo makakasama habangbuhay. Kailangan mo ng taong magpapasaya sa 'yo."

"Hindi ko kailangan ng taong magpapasaya sa 'kin. Masaya ako sa sarili ko. 'Di ba ikaw na nagsabi dati, na dapat ang happiness eh hinuhugot sa sarili at hindi sa ibang tao."

"Oo nga, pero oras na nahanap mo na yung kasiyahan sa sarili mo, pwede ka nang maghanap ng kasiyahan mula sa ibang tao. At least, mabigo ka man o masaktan, meron kang naka-reserved na happiness d'yan sa loob mo na hindi makukuha ng iba."

"Ay, basta basta! Basta ayoko, ok? Sobrang deep, di ko ma-reach. End of file na, ok? Topic closed."

"Hanap kita ng babaeng magpapaligaya sa 'yo..."

"Sinabing tama na eh!"

"Aha ha ha ha ha!!!"

"Sige, tawa lang, tapos i-kuwento mo sa manok, yung may gravy ha."

"Di ba si Suzette crush mo yun?"

"So? Wala naman siyang gusto sa 'kin."

"Siyempre ganun talaga sa simula, kailangan mong mag-effort."

"Papagurin ko lang sarili ko. Buti pa si Karl, heartthrob, effortless, pila-pila ang nagkakagusto. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na guwapo..."

"Ano ka ba, matalino ka naman, tsaka mabait, tapos talented pa."

"Sinong babae naman ang magkakagusto sa matalino at mabait, aber?"

"Uy, meron ah, grabe ka naman makapagsalita. Hindi naman pare-pareho ng taste ang mga babae. Hindi lang naman kami sa itsura tumitingin."

"Sige nga, sa section natin, sinong may crush sa 'kin?"

"Ahmm..."

"Kita mo, wala 'di ba?"

"Wala lang nagkukuwento, pero meron yan."

"Ay ewan, teka, bakit ba ako ang topic dito? Ikaw dapat ang hotseat eh, pati yung kabayo mo."

"Ah ha ha ha!! Nakita mo na?"

"Oo. Mag-online ka kaya, ang haba na ng thread, kung anu-ano na ang naisip namin. Akala namin magi-equestrian ka na."

"Adik. Kahapon yun, nagpunta kami ng Batangas."

"Batangas?"

"Uh uhm."

"Sino-sino kayo?"

"Kami lang ni Sir Max."

"Sumama ka sa kanya sa Batangas? Na kayong dalawa lang? Adik ka ba?"

"Ano naman?"

"Mabuti kung kilalang-kilala mo na yun tao, mamaya kung anong gawin sa 'yo nun."

"Grabe ka naman, hindi naman ganun si Sir."

"Kahit na. Para kang tanga."

"Ewan ko sa'yo."

"Anong ginawa n'yo dun?"

"Nangabayo. Marunong na kong mangabayo. Ha ha ha!"

"Tapos?"

"Wala. Yun lang, nagkuwentuhan."

"..."

"Ano naman yang tingin mo? Grabe ka, anong akala mo sa 'kin?"

"Hoy, wala akong sinasabi ah..."

"Eh yang tingin mo."

"Mukhang may gusto na rin yan sa 'yo."

"Seryoso? Talaga?"

"Sa tingin ko. Kasi hindi ka naman niya bibigyan ng special attention kung wala, 'di ba?"

"Ganun?"

"Siyempre. Kaming mga lalake binibigyan lang namin ng special attention yung taong gusto namin."

"Ahmmmm... Hindi, hindi, hindi, hindi. Hindi ako mag-aassume. Bawal, bawal, bawal. Erase thought."

"Ngayon ayaw mo na mag-assume kung kailan nakikitaan mo na ng rason, samantalang dati..."

"Iba naman yung... Ay basta, sige na, umuwi ka na. At may kailangan pa kong gawin. Kadiri na 'ko."

"Anong gagawin mo?"

"Hay naku, it's a girl thing. Sige na. Ba-bye, ingat."



May 17, 2011
8:15 AM
"Good morning Charmaigne! Wala ka kahapon?"

"Masama po kasi pakiramdam ko eh."

"Ow. Are you sick? You've seen the doctor yet? Gamot or anything?"

"Hindi po, wala naman po akong sakit. Ano lang po, yung ano, alam mo na, yung ano..."

"Ahh, Okay I get it. Are you okay now?"

"Medyo."

"Good. Don't push yourself too hard kung 'di mo pa kaya."

"Ok po. Salamat."

"And oh, by the way... I... I kinda missed you yesterday."


Comments

Popular posts from this blog

Of Buses

I awoke at the voice of the conductor. I looked through the half-tinted, fogged window of the bus, and saw that it was drizzling outside. The road was busy, deceitful and unwelcoming, as cars veered to and fro it's intersections. I stared at Rachel, sitting beside me, sleeping, her head resting on her side, with her hair brushing along the scarlet curtains. I watched as the lights from outside brightened her full cheeks. She is beautiful as ever. I noticed her pale red lips, dried by the cold temperature of the bus, move and twitch, and so I let my eyes escape her view. "Are we there yet?" she whispered, half-awake. I let out a sigh, then turned my head to her, shaking it, smiling. "What's taking us too long?" "We got stuck in traffic earlier. As always." Now its her turn to let out a sigh, an irritated one, and I saw her breath as it came out of her mouth. "Do you feel cold?" I asked. She nodded. I reached out my arm to t...

Perfect Love Story

This is my perfect love story. We meet while I am having a summer vacation in Puerto Princesa. Or maybe Boracay. Or Pagudpud. Or Baler. You are visiting your family. Or maybe you are taking a break with your friends. Or colleagues. We are in a restaurant, a cafe, and I am ordering a drink or a meal, and you are doing the same. We catch a glimpse at each other, and at that instantaneous moment, we both know. We are meant to be. The world stops spinning. But only in our heads, because everyone around us continue moving. Yet, we don't care. Time stands still, and all I see is you. I smile, and you catch yourself smiling back. You break your stare and blush. Time starts moving again. From that moment on, I couldn't stop looking your way. Yet you keep avoiding my eyes. Of course you will. You are a proud woman, you're not cheap, you're not easy to get. You stand up and excuse yourself. You say you are not feeling well and you start walking back to your cottage. I stan...

Gracenote's First Movement

Gracenote's First Movement makes a lasting movement. I am a fan of Gracenote. Their music is reminiscent of the 90's pop-rock that I grew up with, combined with punkish-rock elements. They're not too heavy, and not too pop either, they're at the middle, and that's why rockers from both spectrum can enjoy their sound. The Gracenote, from left to right Alvin Ortiz (who, sadly, already departed the band), Chen Pangan, Eunice Jorge, Jazz Jorge and EJ Pichay First Movement , I believe, is their second album. The first one, self-titled Gracenote , was released independently some time in 2009. Since then, they have come a long way and their music evolved. Three years ago you might have dared call them a Paramore knock-off, but now they are Gracenote. First Movement consists of 8 tracks, the last one being an acoustic version of their current single, Amnesia . Kicking off the album is Knock Knock , written by the band's lead vocalist herself, Eunice Jorge....