OJT, Part 10/12
<<<ANG NAKARAAN May 14, 2011 9:24 AM "Bespren." "Uhm. Ano?" "Bangon na." "Ayoko pa, ang sakit ng katawan ko." "Ano yang nasa kama mo? Parang may nagpatayan d'yan." "Ha? Hala, shit! Ano ba yan! Pahirapan na naman sa paglalaba neto. Teka, bakit andito ka na naman sa loob? Sabi ko sa'yo kumatok ka lagi di ba? Pasok ka ng pasok." "Sorry, nakabukas yung pinto eh." "Ano ba yan, nakakahiya ako." "Sus, wag ka na mahiya sa 'kin." "Sige na, umuwi ka na." "Kararating ko lang kaya." "Sige na, wala ako sa mood makipag-kwentuhan sa 'yo ngayon. Ang sakit ng puson ko, may singaw na naman ako, may sipon pa ko, ang sakit sakit ng ulo ko, at ang init-init, sobra! Ok? Sorry. Sige na. Uwi ka na." "Gusto mo palit na tayo ng puson?" "Ano?" "Para di na masakit kapag meron ka." "Bading ka ba? Gusto mo maging babae?...